Bernadette at Kabayan, itatampok ang kwento ng Chinoy lion dancer, Rizal park photographer
Isang masayang Linggo na naman ang dapat abangan dahil makikipag-kumustahan ang Kapamilya reporter na si Lyza Aquino kay “The Voice” Season 2 champion Jason Dy kung ano ang mga hamon na napagdaanan niya noong nagsisimula pa siya bilang isang singer sa “Tao Po” ngayong Linggo (Pebrero 11).
Ani Jason, dati siyang naging “haranista” o isang taga-awit na kinukuha parang mangharana sa mga espesyal na okasyon tulad ng Valetine’s Day. Binisita rin nina Jason at Lyza ang ABS-CBN Newsroom para awitan ang mga reporter at producer kabilang na ang “TV Patrol Express” anchors na sina Jeff Canoy at Denice Dinsay.
Samantala, itatampok ni Bernadette Sembrano ang kwento ni Chinoy lion dancer Christian Wong na ilalahad ang mga tradisyon at paniniwala ng Filipino-Chinese community tungkol sa lion at dragon dance na ginagawa tuwing may selebrasyon ang kanilang komunidad tulad ng Chinese New Year.
Ngayong Linggo, isa namang nakakakilig na kwento ang handog ni Kabayan Noli de Castro dahil ipapakilala niya ang viewers sa isa sa mga natitirang photographer ng Rizal Park na si Danny Lajo. Kwento ni Danny kay Kabayan, kahit konti nalang silang photographer sa lugar, dito naman niya nakilala ang kanyang ‘forever’ habang noon ay nagtatrabaho sa Rizal Park. Hanggang ngayon na may masiglang pamilya na si Danny, patuloy pa rin niyang hindi binibitawan ang kanyang pagmamahal sa pagkuha ng litrato sa panahon ng digital cameras at smartphones.
Panoorin ang mga kwento ng pag-asa at inspirasyon na ito ngayong Linggo (Pebrero 11) sa “Tao Po” tuwing 2:15 p.m. sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, ABS-CBN News YT Channel, at sa news.abs-cbn.com.
Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.