ABS-CBN News journalist Raphael Bosano goes one-on-one with the current undersecretary of the Department of Health (DOH), Dr. Maria Rosario Vergeire on "Tao Po"
Tampok din ang mga kwento ng isang animal rescuer, at dating kasambahay na ngayo'y head baker
Kukumustahin ni ABS-CBN News journalist Raphael Bosano si Department of Health (DOH) Usec. Maria Rosario Vergeire at ang kanyang kwento nang magsilbing boses ng COVID-19 response sa bansa ngayong Linggo (Marso 17) bilang bahagi ng Women's Month feature ng "Tao Po."
Kilala si Dra. Vergeire bilang isa sa mga haligi ng response efforts ng bansa noong pandemya, kung saan siya ang humaharap sa publiko patungkol sa mga inisyatibo kontra COVID-19 at pagpapaalala sa publiko na lubusang mag-ingat sa virus. Sa likod ng kanyang katungkulan bilang public health official, ipapasilip ni Rosario ang kanyang buhay bilang ulirang anak, kapatid, at ina.
Kasabay nito, bibisitahin naman ng ating Kabayan Noli de Castro ang furmom na si Arizza Dungca, na nagsisilbing nanay sa kanyang 183 na mga pusa, 22 na mga aso at isang baboy ramo. Maliban dito, isa rin siyang animal rescuer kung saan ginawa niyang ICU ward ang kwarto ng kanyang tahanan para sa mga sinagip niyang hayop na may malubhang kondisyon.
At ibibida naman ni Bernadette Sembrano ang kwento ng tagumpay ni Janet Escuro na dating kasambahay na ngayo'y head baker na. Mula sa pagiging yaya ng mga anak ng sikat na pastry chef na si Heny Sison, hindi niya aakalaing bibigyan din siya ng oportunidad na maging tulad ng kanyang amo.
Panoorin ang mga kwentong puno ng pag-asa at inspirasyon ngayong Linggo sa "Tao Po" tuwing 6:15 p.m. sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, ABS-CBN News YT Channel, at sa news.abs-cbn.com.
Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.