News Releases

English | Tagalog

DonBelle, may pasilip tungkol sa mga aabangan sa "Can't Buy Me Love"

March 20, 2024 AT 08 : 27 AM

Binondo, dinadayo dahil sa “Can’t Buy Me Love”

 

Mas malalaking pasabog at rebelasyon ang dapat abangan ng manonood sa “Can’t Buy Me Love” sa mga susunod na linggo ayon sa mga bida nitong sina Donny Pangilinan at Belle Mariano.

“Ang dami pang tanong na masasagot. Few episodes left na lang pero ‘yung kilig, action, drama, thriller, lahat na ‘yun, all in one, makikita niyo. Pero syempre marami pa ring kilig talaga,” saad ni Donny sa isang interview sa ABS-CBN News.

Laking pasasalamat din nina Donny at Belle sa walang sawang suporta na nakukuha nila at ng Can't Buy Me Love sa kanilang fans lalo pa at hindi ito nawawala sa pagiging bahagi ng Top 10 most-watched shows sa   Netflix Philippines.

“Sobrang grateful syempre. Actually, sabay sabay nating pinapanood ‘yun. Kami rin personally inaabangan namin ‘yung next episode. Maraming maraming salamat sa pagsuporta sa “Can’t Buy Me Love,” ani naman ni Belle.

Samantala, dahil sa kasikatan ng "Can't Buy Me Love,” maraming Pilipino ang dumadayo sa Binondo at ibinabahagi ang kanilang pagbisita sa mga lokasyon at i-recreate ang mga eksena mula sa serye.

Sa kasalukuyan, napagtagpi-tagpi nina Caroline at Bingo na marahil ay isa sa mga pinaka-iingatan ni Cindy (Agot Isidro) ang pumatay kay Divine (Shaina Magdayao). Isa nga sa kanilang pinaghihinalaan ang kapatid ni Caroline na si Charleston (Albie Casino). 

Samantala, hindi naman naging maganda ang pagkikita nina Bingo (Donny) at ng kanyang ina na si Annie (Ina Raymundo), matapos makita ng binata ang inabot na pera nito para kay Lola Nene (Nova Villa). Kinompronta rin niya ang ina sa pagsira nito sa buhay niya at ni Caroline.

Abangan ang iba pang rebelasyon sa “Can’t Buy Me Love” tuwing weekdays pagkatapos ng "Linlang" sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, Jeepney TV, Cinemo, TFC IPTV, at TV5. Maaari ring mapanood ang serye sa Netflix at iWantTFC.

Para sa iba pang Kapamilya updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE