Mga kwento na puno ng pag-asa at pagmamahal ang ibibida ng iWantTFC, the home of Filipino stories, bilang paggunita sa Semana Santa—hatid ang espesyal na programming tampok ang ilan pang mga programa at pelikula na swak sa buong pamilya at kapupulutan pa ng aral.
Handog ng iWantTFC sa mga nanamanpalataya ang livestreaming ng “Washing of the Feet” (March 28, 5 PM), “Seven Last Words” (March 29, 12NN), “Veneration of the Cross” (March 29, 3 PM), at ng “Easter Vigil Mass” (March 30, 10 PM) pati “Kapamilya Daily Mass” (regular schedule mula Lunes hanggang Miyekules at Linggo, 5 AM; 5 PM naman sa Maundy Thursday) na pangungunahan ni mass presider Fr. Tito Caluag.
Bibida rin ngayong Semana Santa ang mga teleserye ng kinagiliwang child stars noon tulad nina Zaijian Jaranilla, Raikko Mateo, Jana Agoncillo, at Marco Masa na kapupulutan ng aral at inspirasyon.
Libreng mapapanood ang mga pakikipagsapalaran nina Santino at Bro sa “May Bukas Pa,” ang pagiging matapat sa kapwa ni “Honesto,” pati ang happy family ng little island girl na napadpad sa siyudad na si “Ningning,” at ang mala-anghel na adventures ni “Nathaniel.”
Maliban pa sa mga seryeng ito, swak din sa Holy Week family viewing bonding ang kwento ng pamilyang Mabunga sa award-winning teleserye na “Pamilya Ko” nina JM de Guzman, Joey Marquez, at Sylvia Sanchez.
Tampok din ang mga pelikulang nagsasalarawan sa kabutihang-asal pati pagmamahal sa pamilya at kapwa. Ilan dito ang 2019 iWantTFC original nina Nash Aguas at Sharlene San Pedro na “The Gift,” ang Filipino-Korean co-produced family crime-drama na “Sunshine Family” ng mag-asawang Nonie at Shamaine Buencamino, at ang wagas na aruga mula sa isang ama sa “Seven Sundays” nina Aga Mulach, Dingdong Dantes, Cristine Reyes, Enrique Gil, at Ronaldo Valdez.
Makitawa at hagulgol din kasama ang buong pamilya sa Semana Santa classics ng iWantTFC, kabilang ang 2000 Star Cinema family drama hit na “Tanging Yaman,” at ang nakatutuwang Kapamilya comedy classic mula sa hari ng komedya na si Dolphy sa “Home Along Da Riles: Da Movie.”
Lahat ng ito, libreng mapapanood sa iWantTFC sa pamamagitan ng official app nito (iOS at Android) pati website (iwanttfc.com).
Mas madali nang manood sa iWantTFC gamit ang "watch now, no registration needed" feature. Mapapanood din ang iWantTFC sa mas malaking screen sa piling devices. Available na rin ang iWantTFC via Chromecast at Airplay. Para sa kumpletong listahan ng compatible devices, sign in instructions, at account activation, bisitahin ang https://bit.ly/iWantTFC_TVDevices.
Para sa ibang detalye tungkol sa iWantTFC, pumunta sa discover page nito at i-follow ang iWantTFC sa Facebook, X, Instagram, at YouTube.
Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.