News Releases

English | Tagalog

Kwento ng tagumpay ng P-Pop girl group BINI, itatampok ni Victoria Tulad sa 'Tao Po'

March 07, 2024 AT 02 : 39 PM

Catch these heartwarming and inspirational stories from these women this Sunday on "Tao Po" at 6:15 p.m.

Maantig din sa kwento ng mga dakilang ina mula kina Bernadette at Kabayan

Makikihataw sa trending hit na "Pantropiko" ang resident Kapamilya broadcast journalist na si Victoria Tulad kasama ang Nation's Girl Group na BINI, na ibabahagi rin ang kwento ng kanilang tagumpay at mga pinagdaanan para marating ang tuktok ng P-Pop scene ngayong Linggo (Marso 10) sa "Tao Po."

Maliban sa pagiging viral ng kanilang newest single sa social media na umani ng samu't saring dance challenges kabilang ang ilang trending videos mula sa sikat na Korean idols, babalikan ng mga miyembro nitong sina Aiah, Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Mikha, Jhoanna, at Sheena ang kanilang pakikipagsapalaran bago ang kanilang 'di malilimutang debut at ang tinatamasa nilang tagumpay sa showbiz at musika.

Samantala, maantig naman sa kwentong ibabahagi ni Kapamilya anchor na si Bernadette Sembrano, tampok ang katatagan ng single mom na si Mariz Matibag na mag-isang pinalalaki ang apat niyang anak, kabilang ang baby triplets niya—sa kabila ng pinagdaanang pagsubok ng kanyang relasyon sa kanyang asawa noon.

Dadayo naman sa Cavite ang inyong Kabayan Noli de Castro para bisitahin ang maybahay na si Monette Villanueva, na siyang tumatayong sandigan ng kanyang mga anak at asawang si Alex na may hindi pangkaraniwang sakit. Dito bibigyang-diin ang kondisyon ni Alex na X-linked dystonia Parkinsonism, at ang determinasyon ni Monette na matustos ang pagpapagamot ng kanyang mister at ang pangangailangan ng kanilang pamilya.

Panoorin ang mga kwento ng pag-asa at inspirasyon mula sa mga kababaihang ito ngayong Linggo sa "Tao Po" tuwing 6:15 p.m. sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, ABS-CBN News YT Channel, at sa news.abs-cbn.com.

Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.  

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE