What will Tanggol do to overcome his challenges? How will Marites and Rigor’s marital woes affect their family?
Coco, nakalaya na!
Aarangkada na ang mga pasabog na rebelasyon sa “FPJ’s Batang Quiapo” pagkatapos maglabas ng ABS-CBN ng isang special trailer na nakalikom na ng higit apat na milyong views.
Napapanood sa maaksyong trailer ang pagsisimula ni Tanggol (Coco Martin) ng bagong buhay pagkatapos niyang makalaya sa kulungan. Desidido na ngayon si Tanggol na magbagong-buhay subalit haharap ito sa sunod-sunod na pagsubok na maaaring makaapekto sa kanyang pagkatao.
Magugulantang si Tanggol sa kanyang pag-uwi dahil babanatan siya nina David at Rigor (Mccoy De Leon at John Estrada) at walang-awa nila itong papalayasin. Pero hindi lang iyon ang problemang haharapin ng kanilang pamilya dahil mabibisto na ni Marites (Cherry Pie Picache) ang panloloko ng asawa niyang si Rigor kasama ang kabit nitong si Lena (Mercedes Cabral), na nagdadalang-tao na pala.
Sa kabila ng pagpapahirap kay Tanggol, makakahanap siya ng kakampi kay Bubbles (Ivana Alawi) na nangakong tutulungan siyang maging mabuting tao. Bukod sa reunion nina Tanggol at Bubbles, inaabangan din ng mga manonood ang umiigting na sagupaan ng magkaribal na sina David at Pablo (Elijah Canlas).
Paano malalagpasan ni Tanggol ang walang-katapusang problema na ikinakaharap niya? Anong mangyayari sa pamilya ni Tanggol kapag nalantad na ang problema nina Marites at Rigor?
Ang mga bagong rebelasyon sa kwento ang ilan sa mga pasabog ng “FPJ’s Batang Quiapo” sa pag-arangkada nito para sa ikalawang taon ng programa sa ere.
Huwag palampasin ang maaaksyong kaganapan sa “FPJ’s Batang Quiapo,” na hango sa orihinal na kwento ng Regal Films, gabi-gabi ng 8 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood sa TV5 at A2Z ang mga bagong episode ng ““FPJ’s Batang Quiapo.” Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng iWantTFC at The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.