Mas maraming Pilipino ang nanood ng "It's Showtime" sa unang beses nitong pag-ere sa GMA kaya naman nanguna ito sa telebisyon at online at pinag-usapan din sa social media kung saan nagtala ito ng maraming trending topics noong Sabado (Abril 6).
Nagtala ng pinagsamang TV rating na 11.3 percent mula sa GMA, GTV, A2Z, at Kapamilya Channel ang “It’s Showtime” noong Sabado, habang ang kasabay nito ay nakakuha lamang ng 3.6 percent, ayon sa datos ng Kantar Media Total Individual Ratings.
Samantala, nagpost ang GMA Network sa kanilang social media accounts ng National Urban Television Audience Measurement (NUTAM) People Ratings ng Nielsen Philippines na nagpapakita na ang "It's Showtime" ay nakakuha ng pinagsamang TV rating na 9.6% mula sa GMA, GTV, A2Z, at Kapamilya Channel kumpara sa kasabay na program na nagtala ng 4.4 percent.
Ganun din kalakas ang pagtangkilik ng mga manonood sa online o digital. Nagtala ang “It’s Showtime” ng kanilang all-time high na 524,294 peak concurrent views mula sa iba't ibang social media sites ng ABS-CBN at GMA.
Bukod dito, bumuhos din ng mga magagandang reaksyon mula sa netizens at talagang pinag-usapan sa social media ang pasabog na opening number ng hosts, maging ang nakakakilig na guesting ni Miss Universe 2023 Michelle Dee sa "Expecially For You" kaya naman nagtrend ang show worldwide.
Samahan sina Vice Ganda, Anne Curtis, Vhong Navarro, Jhong Hilario, Karylle, Kim Chiu, Ogie Alcasid, Amy Perez, Darren Espanto, Jugs Jugueta, and Teddy Corpuz, Ryan Bang, Jackie Gonzaga, MC, Lassy, Ion Perez, at Cianne Dominguez sa patuloy nitong paghahatid saya sa manonood sa “It’s Showtime,” 12 NN mula Lunes hanggang Sabado, sa GMA, A2Z, Kapamilya Channel, GTV, Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, pati na rin sa iWantTFC app o iwanttfc.com. Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa The Filipino Channel. Huwag din palampasin ang "Showtime Online U" sa YouTube channel ng "It's Showtime."
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.