News Releases

English | Tagalog

Karen, lumipad sa Germany para bisitahin ang isang Pinoy resto sa “My Puhunan”

April 12, 2024 AT 02 : 28 PM

Karen Davila goes on a European adventure as she visits a hit Pinoy restaurant in Berlin, Germany

Migs, titikman ang ‘ulo ng dinosaur’ sinigang sa Caloocan

Isang European adventure ang handog ni Karen Davila sa viewers sa kanyang pagbisita sa isang sikat na Pinoy restaurant sa Berlin, Germany sa “My Puhunan” ngayong Sabado (Abril 13).

Hindi lang mga Pinoy ang customer ng “Pinoy Food Berlin” kundi pati mga tao mula sa iba’t ibang bansa ay nahumaling na sa sarap ng pagkaing hinahain nila. Mas makikilala rin ni Karen ang mag-inang may-ari ng kainan na sina Rosalinda Nolasco-Jecht at Rosaline Jecht, kung paano nila sinimulan ang kanilang negosyo.

Samantala, biyaheng Caloocan City naman si Migs Bustos para tikman ang specialty na ‘ulo ng dinosaur’ mula sa sikat na kainang “Kanto Otso” ni Billy Joe Garcia.

‘Ulo ng dinosaur’ ang naging bansag ng food vloggers sa sinigang na binebenta ni Billy na pangunahing bida ang malaking ulo ng baboy. Umaabot lang naman sa 300 na kilo ng ulo ng baboy ng sinigang nag naibebenta ni Billy Joe sa isang araw.

Bukod sa mala-mukbang episode na ito, makakapanayam ni Migs si Billy Joe tungkol sa kwento sa likod ng kanyang sikat na “Kanto Otso.”

Huwag palampasin ang mga kuwentong tagumpay sa “My Puhunan: Kaya Mo!” kasama si Karen Davila at Migs Bustos na ipinapalabas tuwing Sabado ng 5:00 ng hapon sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, news.abs-cbn.com/live, at iba pang online platforms ng ABS-CBN News.

Para sa iba pang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.