News Releases

English | Tagalog

Buhay showbiz at mga pangarap ni AC Bonifacio, tampok sa ‘Tao Po’

April 12, 2024 AT 06 : 00 PM

AC tells Bernadette Sembrano about her humble roots as a young dancer in Canada and how she honed her skills in singing and acting when she moved to the Philippines

Victoria Tulad at Kabayan Noli, handog muli ang nakakapanabik na mga kwento

Isang heart-to-heart na usapan ang hatid ni Bernadette Sembrano kasama ang New Gen Dance Princess na si AC Bonifacio na nagkwento tungkol sa kanyang karera sa showbiz at ang kanyang pangarap na maging bahagi ng international projects ngayong ipagdiriwang niya ang ika-10 taon sa industriya sa “Tao Po” ngayong Linggo (Abril 14).

Magbabalik-tanaw si AC sa kanyang buhay sa Canada bilang isang young dancer at kung paano niya hinasa ang kanyang husay sa pagkanta at pag-arte nang lumipat siya sa Pilipinas. Ibabahagi rin ng Kapamilya star ang kanyang karanasan sa teatro bilang bahagi ng comedy musical play na “The 25th Annual Putnam County Spelling Bee,” kung saan ginampanan niya ang role ni Marcy Park.

Samantala, dadalhin naman ni Victoria Tulad ang mga manonood sa isang kapana-panabik na summer road trip kasama sina Celine at Dennis Murillo, ang mag-asawang piniling manirahan sa isang camper van para maglakbay sa buong Pilipinas upang isulong ang kanilang adbokasiya sa pangangalaga sa kalikasan.

Ipakikilala rin ni Kabayan Noli de Castro sa mga manonood ang isang 21-anyos na Pinay mula Batangas na nagtatrabaho bilang welder, jeepney driver, electrician, at construction worker. Inalam ni Kabayan Noli kung paano natutunan ni Janna Aira Magadia ang paggawa ng mabibigat na trabaho at kung bakit niya kailangan itong gawin.

Abangan ang mga makabuluhang kwentong ito ngayong Linggo (Abril 14) sa  "Tao Po" ng 6:15 ng gabi sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, ABS-CBN News's YouTube Channel, at iWantTFC.

Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.