News Releases

English | Tagalog

'Battles Round' sa 'The Voice Teens Philippines' Season 3, umusad na

April 12, 2024 AT 06 : 04 PM

Find out which teen artists will emerge victorious in the next Battle clashes in "The Voice Teens Philippines" Season 3, Saturdays and Sundays on Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, and TV5

Martin, Bamboo at KZ, nakapili na ng 63 artists na sasabak sa 'Battles' round

Mas iigting ang kompetisyon para sa 63 teen artists na napili sa kanilang Blind Auditions, na sasabak naman sa matinding knockout tapatan sa 'The Battles' round ng "The Voice Teens Philippines" Season 3.

Nagtapos ang Blind Auditions nitong Sabado (Abril 6), kung saan may tig-21 teen aspirants sina Coach Martin Nievera, Bamboo, at KZ Tandingan na sasalang naman sa Battle round, at walo sa kada team ang mapipili para umusad at mas mapalapit sa grand prize.

Sinimulan nitong Linggo (Abril 7) ang Battles round, kung saan unang nakasungkit ng spot sa next round ang pambato ng MarTeam na si Colline Salazar (15 y.o) ng Las Piñas City matapos ang kanyang rendisyon ng '70s classic na "I'm in the Mood for Dancing."

Sumunod namang sumalang ang Team Supreme ni KZ, na napagtagumpayan ni Hargie Valirose Ganza (16 y.o.) ng Calamba, Laguna, habang lalarga naman sa next round ang Kamp Kawayan hopeful na si Maelynn Rapista (17 y.o.).

Hindi rin nagpahuli si Oxy Dolorito (13 y.o.) ng Bulacan matapos naman siyang piliin muli ni Martin na umabante sa next round, pero sa kabila nito, nai-steal naman ni Coach KZ ang katapat niyang si Thor Valiente (17 y.o.) at a-advance din under Team Supreme.

Aarangkada rin sa susunod na round ang Team Supreme hopeful na si Brianne Caraig (16 y.o.) ng La Union. Dahil dito, tatlo na ang confirmed teen artists ni KZ para sa next round, kabilang sina Hargie at Thor. Sina Colline at Oxy naman ang unang aabante mula sa MarTeam, habang si Maelynn naman para sa Kamp Kawayan.

Abangan ang mga susunod na haharap sa Battles round ng "The Voice Teens Philippines" Season 3, tuwing Sabado at Linggo ng gabi sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, and TV5.

Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, at TikTok, o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.