Serye, panalo sa online views at most watched show pa rin sa iWantTFC at Netflix
Magkahalong saya at lungkot ang nararamdaman ng bida ng serye na sina Donny Pangilinan at Belle Mariano sa nalalapit na pagtatapos ng seryeng "Can't Buy Me Love" na consistent sa pagiging isa sa most-watched show sa Netflix at iWantTFC.
Para kay Belle, magiging parte na ng buhay niya si Caroline. "Noong una si Caroline very stoic and now may puso siya. Grabe talaga yung napagdaanan niya. Big help yung directors and character kasi sa kanila ako humuhugot. I have been Caroline for eight months and she's always going to be a part of me. Kaya parang kung anong pinagdadaanan niya, pinagdadaanan ko rin with her," madamdaming saad ni Caroline.
Ayon kay Donny, hindi dapat palampasin ng manonood ang natitirang episodes ng palabas dahil marami pang revelations.
"Sa dinami ng pinagdaanan ng BingLing pati ng buong cast, Team Binondo at mga Tiu, grabe everything is coming together. Kahit ang daming revelations na, ang dami pa rin nating tanong kung anong mangyayari sa dulo. I'm just excited honestly as a viewer to also see what's going to happen," saad niya.
Para naman kay Nova, totoong emosyon ang ipinapakita ng buong cast ng serye kaya naman patuloy itong tinatangkilik ng publiko.
"Makatotohanan yung ipinakita namin at binuhos namin effort at puso gumalaw at gumana. Nato-touch na ang viewers natin kasi hindi na kami umaarte at totoo na ang lumalabas," sabi niya.
Labis naman ang pasasalamat nina Anthony Jennings at Maris Racal sa pagmamahal na ibinigay ng publiko sa kanilang tandem.
Gabi-gabi nga ay patuloy na humahamig ng halos 200,000 concurrent views ang serye. Palagi rin tinutukan ng netizens ang mga kapanapanabik rebelasyon sa kwento pati na ang mga nakakatawang eksena ng karakter. Labis din ang papuri na natanggap ng serye sa pagtalakay nito sa mental health. Bukod dito, mas pinalago rin nila ang turismo sa Binondo at dinadayo na rin ito ng mas naraming Pilipino na ibinabahagi ang pagbisita sa mga lokasyon at i-recreate ang mga eksena mula sa serye.
Sa inilabas na finale trailer ng serye, kita nga rito kung paano pa susubukin ng tadhana at ng kani-kanilang problema ang posibleng pag-iibigan nina Bingo (Donny) at Caroline (Belle Mariano). Mas magiging kumplikado nga ang relasyon nina Caroline at Bingo ngayong ididiin ng mga Tiu na si Annie (Ina Raymundo) ang pumatay kay Divine (Shaina Magdayao). Bukod pa rito ang mamumuong alitan ng dalawang pamilya dahil sa pagkuha ni Annie sa GLC.
Mapatunayan pa kaya nilang priceless ang pagmamahal at makuha pa kaya nilang magmahalan sa gitna ng kanilang susuungin pagsubok?
Ang "Can't Buy Me Love" ay nasa ilalim ng produksyon ng StarCreatives at idinerehe nina Direk Mae Cruz Alviar, Direk Ian Loreños, at Direk Raymund Ocampo.
Abangan ang iba pang rebelasyon sa nalalapit na pagtatapos ng “Can’t Buy Me Love” tuwing weekdays pagkatapos ng "Linlang" sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, Jeepney TV, Cinemo, TFC IPTV, at TV5. Maaari ring mapanood ang serye sa Netflix at iWantTFC.
Para sa iba pang Kapamilya updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.