News Releases

English | Tagalog

Migs, titikman ang sikat na overload pares ni Diwata sa "My Puhunan"

April 26, 2024 AT 10 : 42 AM

Migs Bustos goes in line along the roads of Pasay City to taste Diwata's famous overload pares while featuring his humble story of success this Saturday (April 27) on "My Puhunan: Kaya Mo!"

Ibibida rin ni Karen ang dating piloto na ngayo'y full-time farmer
 

Dadayo naman sa Pasay si Migs Bustos para matikman ang trending overload pares ng social media sensation na si Diwata at itatampok ang kanyang kwento ng tagumpay ngayong Sabado (Abril 27) sa "My Puhunan: Kaya Mo!"

 

Bago pa man makilala online bilang si Diwata, naghangad din noon si Deo Jarito Balbuena na umasenso sa buhay. Nakipagsapalaran muna siya bilang isang construction worker, beautician, sari-sari store owner, at sumabak pa sa Miss Q&A segment ng "It's Showtime" hanggang sa naisipan niyang magluto ng pares at binuksan ang kanyang maliit na food stall.

 

Ngayon, daan-daan ang dumarayo at nakikipila sa kalye ng Pasay City para lang matikman ang kanyang overload pares, na may kasamang unli-rice at sabaw pati isang softdrink sa halagang P100. Maliban pa rito, marami-rami pa siyang putaheng inihahanda sa kanyang mga suki, kabilang ang iba't ibang inihaw at ang kanyang dambuhalang fried 'siken.'

 

Samantala, patuloy ang GenSan adventure ni Karen Davila at doon niya makikilala ang dating piloto na ngayo'y full-time farmer na si James Reamon.

 

Doon ibabahagi ni Capt. James kung paano niya naisakatuparang itayo ang hinahangad niyang farm, habang ipapamalas din niya ang kanyang husay sa paggawa ng mga imbensyong kinikilala rin abroad.

 

Huwag palampasin ang mga kuwentong tagumpay sa "My Puhunan: Kaya Mo!" kasama sina Karen at Migs tuwing Sabado, 5:00 ng hapon sa A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, news.abs-cbn.com/live, at iba pang online platforms ng ABS-CBN News.

 

Para sa iba pang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE