News Releases

English | Tagalog

"It's Showtime" pasabog ang pilot episode sa GMA, trending worldwide

April 06, 2024 AT 06 : 50 PM

Umani ng 500,000 peak concurrent views

 

Nangyari na ang isa sa pinakamasaysayang moment sa telebisyon at pinaka-iintay ng madlang people nang mag-debut ang longest-running noontime show ng "It's Showtime" sa GMA ngayong araw na nagtrending worldwide sa Twitter at umani ng 500,000 peak concurrent views online. 

Binuksan ng Asia's Unkabogable superstar at birthday girl na si Vice Ganda ang "It's Showtime" sa isang mala-Dune performance at ang pag-upo niya sa tuktok ng GMA logo sa building ng Kapuso network pati na ang performance niya ng "Thunder," "Champion," at "Hall of Fame." 

Samantala, sunod-sunod din na pasabog na performance ang hatid ng kanyang co-hosts na sina Anne Curtis, Vhong Navarro, Jhong Hilario, Karylle, Kim Chiu, Ogie Alcasid, Amy Perez,  Darren Espanto, Jugs Jugueta, and Teddy Corpuz, Ryan Bang, Jackie Gonzaga, MC, Lassy, Ion Perez, and Cianne Dominguez para sa Kapamilya at Kapuso viewers. 

Pinasalamatan din ng unkabogable star ang bosses ng ABS-CBN at GMA sa paggawa nito ng paraan upang mas malawak ang mapasaya ng programa. Ayon pa sa kanya, ito ang tinuturing niyang best birthday gift at para ito sa madlang people. 

"Ito ay para sa lahat ng Madlang People na mapapasaya namin simula sa araw na ito. Ito ay para sa GMA at sa ABS-CBN, lahat ng mga nagtatrabaho sa 'It's Showtime', lahat ng mga staff natin, napakahuhusay at napakasisipag, at sa ating lahat na mga hosts, sa lahat ng mga kapiling nating mga Kapamilya, mga Kapuso," saad niya.

Samantala, nakisaya naman at nakisali sa Karaokids segment ang Kapuso stars na sina Gabbi Garcia, Sanya Lopez, Glaiza de Castro, Jillian Ward, Mark Bautista, Christian Bautista, Jake Vargas, Mikee Quintos, Nadine Samonte, at Chanty. 

Sumalang naman sa espesyal na episode ng "Expecially For You"  Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee kasama ang ina niyang si Miss International 1979 Melanie Marquez. 

Makisaya sa buong pamilya ng “It’s Showtime,” 12 NN mula Lunes hanggang Sabado, sa GMA, A2Z, Kapamilya Channel, GTV, Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, pati na rin sa iWantTFC app o iwanttfc.com. Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa The Filipino Channel. Huwag din palampasin ang "Showtime Online U" sa YouTube channel ng "It's Showtime."

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin angwww.abs-cbn.com/newsroom.