News Releases

English | Tagalog

Mga kwento ng pagmamahal ng ina, bibida ngayong Mother's Day sa iWantTFC

May 10, 2024 AT 11 : 47 PM

Lahat ng ito, libreng mapapanood sa iwanttfc.com pati sa official iWantTFC app, available sa iOS at Android

Mapapanood nang libre at on-demand sa official website at app ng iWantTFC 

Ibibida ng iWantTFC, the home of Filipino stories, ang mga kwentong nagsasabuhay sa pagmamahal at aruga ng ating mga dakilang ina—tampok ang mga serye at pelikulang swak sa pagdiriwang ng Mother's Day. 

Mapapanood sa iWantTFC ang mga samu't saring pelikula na nagbibigay-diin sa mga sakripisyo ng isang ina para sa kanilang pamilya. Ilan dito ay ang pakikipagsapalaran ni Pokwang bilang illegal immigrant na hahamakin ang lahat para lang sa pamilya sa indie-drama film na "A Mother's Story," ang todo-kayod ni Ai-Ai delas Alas bilang single mom ng isang dosenang anak sa comedy hit na "Ang Tanging Ina," at ang madamdaming pagganap ni Vilma Santos bilang inang susubukang makuha muli ang pagmamahal sa mga nawalay na anak sa Star Cinema classic na "Anak." 

Kasabay nito, swak din ngayong Mother's Day ang mga seryeng sumasalamin sa wagas na pagmamahal ng isang ina, tulad ng iba't ibang pagganap ni Sylvia Sanchez bilang nanay sa "Hanggang Saan," "The Greatest Love," at iWantTFC Original na "Misis Piggy," pati ang ilang makabagbag-damdaming true-to-life stories ng mga ina sa "Maalaala Mo Kaya" classics na "Rehas," "Regalo," "Stroller," at iba pa. 

At bida rin sa okasyong ito ang pagmamahal ng isang ina bilang partner sa kani-kanilang mga asawa o partner sa buhay. Kaya naman perfect sa momshie-popshie viewing ang mga romance titles, tulad ng pagtuklas muli ng pag-ibig ng isang single mom sa iWantTFC Original ni Jodi Sta. Maria na "My Single Lady," at ang 'blonde' love story ng isang diborsyada at byudo sa "Familia Blondina."      

Lahat ng ito, libreng mapapanood sa iwanttfc.com pati sa official iWantTFC app, available sa iOS at Android. Maliban din sa mga programang ito, marami-rami pang Mother's Day picks ang hatid ng iWantTFC sa "Tribute for Mothers" selection nito. 

Mapapanood din ang iWantTFC sa mas malaking screen sa piling devices. Available na rin ang iWantTFC via Chromecast at Airplay. Para sa kumpletong listahan ng compatible devices, sign in instructions, at account activation, bisitahin ang https://bit.ly/iWantTFC_TVDevices.    

Para sa ibang detalye tungkol sa iWantTFC, i-follow ang iWantTFC sa Facebook, X, Instagram, at YouTube.

Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom