News Releases

English | Tagalog

KimPau, Andrea, JK, at cast ng "High Street," hatid ang mga bonggang performance sa "ASAP Natin 'To"

May 10, 2024 AT 06 : 50 PM

Tampok ang performances mula sa "The Voice Teens" coaches, P-Pop groups, singing divas at hot moms ngayong Mother’s Day

 

Isang star-studded weekend ang naghihintay para sa mga manonood dahil bibisita sina Kim Chiu, Paulo Avelino, maging sina Andrea Brillantes, JK Labajo at iba pang cast ng bagong Kapamilya serye na “High Street” ngayong Linggo (Mayo 12) sa "ASAP Natin 'To" sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Ihanda na ang KimPau hearts para sa isang nakakakilig na performance mula kina Kim at Paulo, na aawitin ang hit song ni Zack Tabudlo na “Gusto.”

Kilalanin rin ang cast ng “High Street” na sina Andrea, JK, Zaijian Jaranilla, Xyriel Manabat, Miggy Jimenez, Ralph De Leon, AC Bonifacio, Harvey Bautista, Gela Atayde, Tommy Alejandrino, Rans Rifol, Angel Bayani, Gerald Madrid, Romnick Sarmenta, Ana Abad Santos, Mon Confiado, Dimples Romana, at Angel Aquino na magbibigay ng espesyal na performance sa “ASAP” stage para sa nalalapit na premiere ng serye.

Gawing espesyal ang Mother’s Day sa pamamagitan ng nakamamanghang performance mula sa singing divas na sina Regine Velasquez, Zsa Zsa Padilla, Vina Morales, Frenchie Dy, at Bituin Escalante, kasama ang expectant mommy na si Angeline Quinto, na aawit ng kanyang pinakabagong single na “Salamat Ika’y Dumating.” Bibigyang pugay din ang OPM icon na si Kuh Ledesma, na kakanta ng kanyang hit songs kasama sina Martin, Regine, Zsa Zsa, Ogie, Yeng, Kyla, at Erik. Ipagpatuloy ang pagdiriwang ng Mother’s Day kasama ang hot moms na sina Regine Tolentino at Geneva Cruz sa kanilang nakaka-excite na sa dance battle sa “ASAP” stage.

Isang selebrasyon ng Pinoy Pop ang magaganap kasama sina Martin Nievera, Regine, Ogie Alcasid, Zsa Zsa, Erik Santos, Kim Chiu, Darren Espanto, Yeng Constantino, Alexa Ilacad, Jona, Klarisse De Guzman, Jason Dy, Jeremy Glinoga, Sheena Belarmino, Fana, Krystal Brimner, Reiven Umali, JM Yosures, JM Dela Cerna, “It's Showtime” kids Kulot, Argus, Jaze, Imogen, at Kelsey at dance groups na G-Force, Baby Dolls, at Ignite na magpe-perform ng iba’t ibang summer songs kasama ang rising P-Pop groups na Alamat, G22, 1st One, at Pluus.

Saksihan naman ang isang show-stopping performance mula sa "The Voice Teens" coaches na sina Martin, KZ Tandingan, at Bamboo para sa nalalapit na finale week ng reality singing competition.

Pakinggan naman ang isang show-stopping singing showdown kasama sina Jed Madela, Jona, Klarisse, Jason, Lyka Estrella, Khimo, Reiven, Katrina Velarde, Marielle Montellano, Bugoy Drilon, JM Yosures, Sam Mangubat, at JM Dela Cerna na magpapakitang gilas sa kanilang rendition ng inspiring finale pieces.

Tuloy-tuloy ang saya kasama sina Robi Domingo at Edward Barbers na makakasama ng Kapamilya artists, stars, at guest performers sa “ASAP” stage.

Lahat ng ito, mapapanood ninyo ngayong Linggo mula sa longest-running at award-winning musical variety show sa bansa, "ASAP Natin 'To," 12 NN sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC. 

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.