News Releases

English | Tagalog

Behind-the-scenes pasilip kasama ang Kapamilya stars, available na sa ABS-CBN YouTube

May 14, 2024 AT 04 : 57 PM

“Super Kapamilya” tampok ang DonBelle, BINI, at cast ng “High Street”!

Level-up na ang Kapamilya experience sa YouTube dahil pwede nang makakuha ng exclusive access at backstage pasilip ng paboritong Kapamilya ganaps sa pamamagitan ng ABS-CBN YouTube membership na “Super Kapamilya.”

Handog ng ABS-CBN ang “Super Kapamilya” para sa loyal fans kung saan may access ang mga ito sa exclusive livestreams, Q&A sessions kasama ang paboritong Kapamilya stars, behind-the-scenes access, at unang pasilip sa iba’t ibang content. Available ito sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel, ang nangungunang YouTube channel sa Southeast Asia na mayroong 47.7 milyong subscribers.

Available na para sa mga “Super Kapamilya” members ang Q&A sessions kasama ang “High Street” cast at “Kapamilya Chat” kasama ang “Can’t Buy Me Love” stars na sina SnoRene at DonBelle. Bukod dito, may access na rin ang members sa first drop ng “Can’t Buy Me Love: Alternate Killers Reveal” at abangan naman ang special wedding video ng BingLing na mapapanood ngayong Martes (Mayo 14) ng 7 PM.

Ilan pa sa mga available na ay ang Dumaguete Vlog at sneak peek photos tampok ang mga bida ng hit “Made for YouTube” series na “Zoomers.”

Ang dami pang dapat abangan sa “Super Kapamilya” at isa na rito ay ang exclusive access sa “Star Magic Hot Summer 2024” sa Mayo 15 kung saan mapapanood ang interviews kasama ang BINI at iba pang inaabangang bisita, at mayroon din backstage insider access sa naturang event.

Ma-eenjoy ang iba pang “Super Kapamilya” experiences sa mga susunod na linggo tulad lamang ng inaabangang “Star Magic All-Star Games”  na gaganapin sa Hunyo 2. 

Para sumali sa “Super Kapamilya” community, bisitahin ang ABS-CBN Entertainment YouTube channel, click “join,” kumpletuhin ang monthly membership purchase, at i-click ang “subscribe.”

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (formerly Twitter), Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.