Migs Bustos continues his foodtrip adventure—this time along the streets of Quezon City, where he finally tries the trending "Hiwaga" overload pares made famous by Sixteen "Hiwaga" Ablero
Tampok din ang kwento ng dating tagatimpla ng kape na ngayo'y coffee business owner
Tuloy-tuloy ang foodtrip adventure ni Migs Bustos na titikman naman ang trending Hiwaga Overload Pares sa Quezon City, kung saan sa P99 ay may overload pares na may kasamang unli rice, sabaw, at juice ngayong Sabado (May 18) sa "My Puhunan: Kaya Mo!"
Ibabahagi mismo ni Sixteen "Hiwaga" Ablero kung paano niya sinimulan magbenta ng kanyang sariling version ng overload pares at kung bakit ito patuloy na tinatangkilik din ng mga parokyano. Maliban sa kanyang pares, patok din sa madla ang overload bulalo niya na may kasama ring unlimited serving ng kanin, sabaw, at drinks.
Dahil sa tagumpay na dala ng kanyang overload pares, nakapagtayo na rin siya ng sarili niyang pwesto para mas marami ang makakain at mas kumportable ang kanyang mga customer na dumarayo sa kanyang kainan.
Para naman sa mga naghahanap ng staycation spot para sa kanilang summer getaway, ibibida rin ni Migs ang isang resort sa Pulilan, Bulacan na Balai Alegria. Dito niya makakausap ang may-ari nitong si Clara "Gie" Alegria kung paano niya sinimulan ang sariling disenyo nito na karamihan ay hango sa mga napapanood niya sa social media.
Samantala, tampok sa feature ni Karen Davila ang kwento ng tubong-Davao na negosyanteng si RJ "Coco" Evangelista, na dating OFW bilang all-around staff sa Singapore at ngayo'y sariling coffee business owner na. Pero nagsimula ang lahat ng iyon nang gumawa siya ng kape sa kanyang amo, na nasarapan sa kanyang timpla. Dahil dito ay nagsimula siyang mag-formulate ng sarili niyang timpla ng kape at iba pang produkto.
Nang malamang nagkasakit ang kanyang ina, napagdesisyunan niyang umuwi na sa bansa at ilunsad ang kanyang brand na Radiantz, kung saan nakakapag-manufacture siya ng sarili niyang coffee blend pati iba pang beauty at wellness goods.
Huwag palampasin ang mga kuwento ng tagumpay sa "My Puhunan: Kaya Mo!" kasama sina Karen at Migs tuwing Sabado, 5:00 ng hapon sa A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, news.abs-cbn.com/live, at iba pang online platforms ng ABS-CBN News.
Para sa iba pang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.