“Hanggang Kailan” MV ni Darren, tampok si Belle
All-out performances at star studded guests ang dala ng Asia’s Pop Heartthrob na si Darren para sa kanyang 10th anniversary concert na “D10” na gaganapin sa Araneta Coliseum sa Hunyo 1 (Sabado).
Makakasama nya ang ilan sa mga mang-aawit na naging malaki ang papel sa naging journey niya siya showbiz. Kabilang dito sina Erik Santos, Gary Valenciano, Lyca Gairanod, Ogie Alcasid, Sarah Geronimo, at Vice Ganda.
Sa pagbabalik-tanaw sa kanyang “The Voice Kids” journey, nagpasalamat si Darren sa iba’t ibang oportunidad na nagbukas para sa kanya upang ipamalas ang talento bilang singer at aktor.
“I feel like it's been such a long time since The Voice Kids but at the same time, it feels like it's been such a quick journey as well. But when I look back on everything I’ve done, parang grabe, ang dami na nangyari sa buhay ko, sa career ko and I’m just very grateful for everything that has happened in the past 10 years,” saad niya.
Samantala, inilunsad din niya ang music video para sa bagong single na “Hanggang Kailan” tampok ang “Can’t Buy Me Love” star na si Belle Mariano.
“This one’s a lot more laid back because it’s more on the storytelling and asking the universe hanggang kailan ako maghihintay for the right person,” sabi ni Darren.
Mabibili ang tickets para sa “D10” concert sa Ticketnet outlets at ticketnet.com.ph sa halagang P8,004 (Platinum), P6,404 (VIP), P4,269 (Patron A), P2,668 (Patron B), P2,135 (Lower box), P1,068 (Upper box), at P427 (General admission).
Samahan si Darren sa kanyang 10th anniversary concert na “D10” na gaganapin sa Araneta Coliseum sa Hunyo 1. Para sa karagdagang detalye, sundan ang Star Music sa Facebook, X (Twitter), Instagram, TikTok, at YouTube.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.