News Releases

English | Tagalog

Zsa Zsa at Darren may back-to-back birthday pasabog sa "ASAP Natin 'To"

May 18, 2024 AT 12 : 37 AM

Panoorin ang exciting performances mula sa BINI, KDLex, at Felip ng SB19

 

Humanda para sa special back-to-back birthday surprises nina Zsa Zsa Padilla at Darren Espanto ngayong Linggo (Mayo 19) sa "ASAP Natin 'To" sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Samahan ang "ASAP" family sa pagdiriwang ng ika-60 na kaarawan ni Zsa Zsa na magtatanghal niya ng kanyang pinakabagong single na "Pag Tinadhana." Makakasama niya sa entablado sina Martin Nievera, Gary Valenciano, Erik Santos, at iba pang surprise guests.

Magpapatuloy ang selebrasyon para sa birthday boy na si Darren Espanto, na maghahatid ng concert-level performances ng “Believer” ng Imagine Dragons at “Unstoppable” ni Sia.

Abangan naman ang mga kapana-panabik na production mula sa Nation’s Girl Group BINI, na kakanta ng “Huling Cha Cha” mula sa kanilang album na “Talaarawan,” at ni Felip ng SB19, na magpo-promote ng kanyang bagong single na “Fake Faces.” Subaybayan rin ang mga nakakakilig na pagtatanghal mula kina KD Estrada, Alexa Ilacad, Loisa Andalio, Jeremy Glinoga, Sheena Belarmino, Anji Salvacion, at Krystal Brimner, kasama ang G-Force at Legit Status.

Gawing mas espesyal ang iyong Linggo kasama si Martin at sina Imogen, Kulot, Jaze, Argus, at Kelsey na magbibigay ng isang nakaka-touch na awitin. Ipakikilala rin ni Martin ang grand winner na si Kim Hewitt bilang pinakabagong Kapamilya champion, na aawit ng “I Don’t Wanna Miss A Thing” ng Aerosmith.

Saksihan naman ang all-star performance kasama sina Regine Velasquez, Zsa Zsa, Ogie Alcasid, Vina Morales, Erik, Jed Madela, Kyla, Nyoy Volante, Frenchie Dy, Jason Dy, Jeremy, Klarisse De Guzman, Alexa, Sheena, Fana, at Katrina Velarde sa kanilang pag-awit ng international hit songs. Makikipag-rakrakan din si Bamboo na magpe-perform ng "Losing My Religion" ng R.E.M.

Tampok din sa “ASAP” ang mga greatest hits ng OPM songwriter na si Cecile Azarcon na ihahatid nina Martin, Regine, Zsa Zsa, Ogie, Kyla, at Erik. Tuloy-tuloy ang music fest dahil sa mga nakamamanghang performance ng Air Supply hits mula sa mga singing champion na sina Jed, Jona, Klarisse, Jason, Bugoy, Lyka Estrella, Khimo, Reiven Umali, Katrina, Marielle Montellano, JM Yosures, Sam Mangubat, at JM Dela Cerna.

Samantala, maghanda para sa isang nakaka-excite na clash dance mula kina Chie Filomeno at Sam Bernardo kasama ang D’ Grind sa "ASAP" stage. Abangan din si Robi Domingo na makikisaya sa lahat ng Kapamilya artists, stars, at guest performers sa “ASAP” stage.

Lahat ng ito, mapapanood ninyo ngayong Linggo mula sa longest-running at award-winning musical variety show sa bansa, "ASAP Natin 'To," 12 NN sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC. 

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.