News Releases

English | Tagalog

Martin Nievera, Forver Kapamilya pa rin

May 21, 2024 AT 09 : 58 AM

Ipinagdiriwang ang ika-42 taon sa industriya ng showbiz

 

Mas pinatibay ni Martin Nievera ang ugnayan sa ABS-CBN, ang kanyang itinuturing na tahanan sa loob ng 37 taon, nang pirmahan niya ang kanyang panibagong kontrata sa kumpanya noong Linggo (Mayo 19).

“I was Kapamilya when we used to call this the ‘Sarimanok’ station. Before the word was ever used, I was already Kapamilya. You had me at hello. Just like finding the right girl in your life, I found my right home. There’s no place else to go but home,” ani Martin.

Kinilala rin niya ang mga taong nasa likod ng kanyang tagumpay sa loob ng 42 na taon sa showbiz industry

“I am a product of many great writers, amazing directors, and people who believe in me. I take no credit for being up here on stage. I represent a great amount of talent that you don’t see. So for me to sign this is my way of thanking them and glorifying their talents through me,” pagbabahagi niya.

Ibinahagi rin ni Martin na nais niyang makipag-collaborate sa bagong henerasyon ng mga artist, kung saan aniya ay marami siyang matututunan na bagong techniques sa pag-perform. Nakatakda rin siyang bumalik sa Big Dome para sa kanyang 42nd anniversary concert at naghahanda na rin para sa “ASAP Natin ‘To” sa California.

Dumalo sa contract signing ang ABS-CBN executives na sina chairman Mark Lopez, president at CEO Carlo Katigbak, COO Cory Vidanes, at CFO Rick Tan Jr. Kasama rin sina Erik Santos, Darren Espanto, KZ Tandingan, at Bamboo na inawit ang mga hits ni Martin.

Nagsilbi rin bilang hosts ng kanyang grand contract signing sina Bianca Gonzales at Robi Domingo.

Kilala bilang Concert King of the Philippines, malaki ang nagging  kontribusyon niya sa Philippine Pop Culture dahil sa kanyang iba’t ibang sold-out local at international concerts at pagiging multi-awarded singer-songwriter sa likod ng timeless OPM hits tulad ng “Say That You Love Me,” "Ikaw Ang Lahat Sa Akin,” "Maging Sino Ka Man,” at iba pa. Isa rin siya sa mga orihinal na host ng longest-running musical variety show na "ASAP," kung saan naimbento niya noong 1995.

Para mapanood ang buong “Forever Kapamilya” contract signing ni Martin Nievera, bisitahin ang YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment.

Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom