Bernadette visits Darren during concert rehearsal, Zyann Ambrosio uncovers the story of 'Pinturados,' while Kabayan visits local siblings from resurfaced sunken town
Zyann Ambrosio kinilala ang mukha sa likod ni 'Pinturados,' Kabayan binisita ang magkapatid mula sa isang sunken town
Binisita ni Bernadette Sembrano ang Kapamilya star na si Darren Espanto habang nag-eensayo para sa kaniyang nalalapit na 10th anniverary concert, ngayong Linggo (May 5) sa "Tao Po".
Nagbalik-tanaw ang Asia's Pop Heartthrob na si Darren sa kaniyang karera mula sa kaniyang pagsali sa "The Voice Kids" hanggang sa kanyang pagpasok sa larangan ng pag-arte. Ibinahagi niya nang may kasiyahan ang mga tagumpay sa pag-abot ng kaniyang mga pangarap, kasama na rito ang kaniyang pagtatanghal sa entablado ng "ASAP Natin 'To" at ang pagkakataong makasama ang isang partikular na artistang matagal na niyang hinahangaan. Bukod dito, walang takot niyang hinarap ang mga usap-usapang umiikot sa kaniyang buhay pag-ibig.
Samantala, kinilala naman ni Zyann Ambrosio ang taong nasa likod ng pintadong mukha ng mime artist at living statue na si Rodel Bartido na mas kilala bilang "Pinturados". Ibinahagi ni Rodel kung paano niya natagpuan ang bokasyon habang nagtatrabaho bilang isang tour guide, at ang mga hamon na kaniyang hinarap sa pagtahak sa landas ng pagiging isang street performer. Kasama si Zyann, ipinamalas ni Pinturados ang kanyang mga antics sa Quezon Memorial Circle sa ABS-CBN Grand Kapamilya Summer Fair noong Abril 27.
Matapos ang 50 taong malunod sa tubig ng dam ang bayan ng Pantabangan ay muling nag-resurface ito dulot ng mainit na panahon. Dala ng pangyayaring ito, nagpasya si Kabayan Noli De Castro na dumayo sa Nueva Ecija upang makasama ang dalawang magkapatid na ipinanganak at pinalaki sa bayan—ang 83-anyos na si Sonia Cuario at si Agripino Vargas. Magkasama nilang binalikan ang kanilang dating mga paboritong lugar matapos ang limang dekada.
Abangan ang mga makabuluhang kwentong ito ngayong Linggo (May 5) sa "Tao Po" ng 6:15 ng gabi sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, ABS-CBN News' YouTube Channel, at iWantTFC.
Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.