News Releases

English | Tagalog

Doris, itatampok ang love story nina Kim at Jerald sa “Tao Po”

May 30, 2024 AT 11 : 10 AM

Doris Bigornia sits down with “Seoulmeyt” stars Kim Molina and Jerald Napoles as they look back on their love story on “Tao Po”

Tampok din ang isang teen scribble artist, nanay ng dalawang special children
 
Isang masayang chikahan ang mapapanood ngayong weekend dahil makakasama ni Doris Bigornia ang “Seoulmeyt” stars na sina Kim Molina at Jerald Napoles na ibabahagi kung paano nagsimula ang kanilang pag-iibigan ngayong Linggo (Hunyo 2) sa “Tao Po.”
 
Ayon kina Kim at Jerald, nagsimula sa Teatro ang kanilang love story, kung saan naging magkatambal at naging totohanan ang kanilang pagmamahalan. Ilang proyekto rin ang kanilang pinagbidahan kabilang na ang pinakabagong pelikula nilang “Seoulmeyt.”
 
Itatampok naman ni Kabayan Noli de Castro ang teen scribble artist na si Emmanuel Dane Ventura mula Caloocan na kayang gumuhit gamit ang sampung ballpen ng sabay-sabay. Alamin kung bakit niya sinubukan ang scribble art at ang Teknik sa paggawa nito.
 
Samantala, tatagos naman sa mga puso ang kwento ni Rose Reyes, isang ina na may dalawang anak na parehas may special condition. Sa panayam niya kay Bernadette Sembrano, ipinaliwanag ni Rose na kaliwa’t kanang trabaho ang kanyang ginagawa para maitaguyod ang mga anak. Nakagawa rin siya ng grupo para tumulong sa iba na nasa parehas na sitwasyon.
 
Abangan ang mga makabuluhang kwentong ito ngayong Linggo (Hunyo 2) sa "Tao Po" ng 6:15 ng gabi sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, ABS-CBN News's YouTube Channel, at iWantTFC.
 
Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.