News Releases

English | Tagalog

Angela, Maki, at Bugoy, nagpasaya sa "Summer For Reel" sa Boracay

May 08, 2024 AT 10 : 42 AM

Punong-puno ng musika at feels ang Boracay sa ginanap na “Summer For Reel” event noong Sabado (Mayo 4) tampok ang Kapamilya artists na sina Angela Ken, Maki, at Bugoy Drilon.

Naghandog si Angela ng iba’t ibang awitin kabilang ang “Alas Diyes” at “Ako Naman Muna.” Tinawag rin niya sa entablado si Maki para awitin nila ang kanilang song collaboration na “Sikulo.”

Nagpasaya rin si Maki hatid ang iba’t ibang kanta at kasama rito ang original songs niyang “Bakit?,” “Kailan?,” at ang phenomenal hit na “Saan?” Sinorpresa rin niya ang mga manonood ng snippet ng kanyang upcoming single na “Dilaw.”

Higit pang pinainit ni Bugoy ang acoustic jamming session sa isla sa kanyang beautiful song numbers, kabilang na ang all-time favorites na “Waiting in Vain,” “Nothing’s Gonna Change My Love For You,” “One Day,” at sariling kanta na “Paano Na Kaya.”   

Hatid din ng bonggang summer event ng ABS-CBN ang outdoor movie screening ng “Love You To The Stars and Back” na pinagbibidahan nina Joshua Garcia at Julia Barretto.

Nagpaindak naman ang mga DJ na sina Stephen Magsino at Hottiejib sa ilalim ng MYX Sets. Pinangunahan ni Aiyanna Perlas ang programa bilang host.

Ang “Summer For Reel” ay handog ng ABS-CBN Events at Cinema One sa pakikipag-ugnayan sa Boracay Party and Event, ABS-CBN Films, at ABS-CBN Music.