Napapanood gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5
Mainit ang naging pagtanggap ng mga manonood sa pinakabagong teleserye ng ABS-CBN na “Pamilya Sagrado,” na nakakuha ng 443,269 peak live concurrent views sa Kapamilya Online Live at trending din sa social media para sa pilot episode nito noong Lunes (Hunyo 17).
Pasabog agad ang unang episode kung saan ipinakita ang mainit na komprontasyon nina Moises at Justin (Kyle at Grae) na nauwi rin sa pagiging magkaibigan ng dalawa matapos ipagamot at pakainin ni Justin si Moises.
Ipinakilala na rin sa mga manonood ang karakter ni Piolo Pascual na si Rafael Sagrado, ang ama ni Justin na madaming itinatagong baho sa kabila ng kagalang-galang na imahe nito.
Sa social media, pinuri ng netizens ang serye para sa pangmalakasang akting na ipinamalas ng cast at sa nakakapangilabot na kwento na may temang politika at pagiging parte ng isang fraternity.
“@piolopascual_ph finally graces us with his presence. This brief scene alone shows how affluent and respected the good governor is with his “gift” of tikoy. The direction, writing, and music make this show feel like a classic political thriller,” post ni @deepdish1216.
“Love how layered Justin Sagrado's character is. there's goodness (w/ his parents), there's darkness (frat pinuno), the confused, lost n terrified boy (w/ his grandpa), then there's him, the dreamer. Grae Fernandez captured Justin so beautifully,” ayon kay user @sadluvstories.
Komento naman ni @lovekyle sa X, “Moises takes us on a roller coaster of emotions, making us smile, cry, and feel inspired. I also loved his dynamics with Kelvin and Grace.”
Sa pagpapatuloy ng kwento ng “Pamilya Sagrado,” masasaksihan ng mga manonood kung paano ipagtatakpan ng pamilya Sagrado ang isang krimen na may kinalaman sa fraternity na pinangungunahan ni Justin. Madadagdagan pa ang mga kahinahinalang gawain ng mga Sagrado dahil makikipagkasundo si Rafael kay Moises na bantayan nito ang mga kilos ni Justin.
Panoorin ang matinding mga rebelasyon sa “Pamilya Sagrado” gabi-gabi ng 8:45 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, at TFC. Mapapanood din ito 48 oras bago ang TV broadcast sa iWantTFC.
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (dating Twitter), TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.