News Releases

English | Tagalog

"Hey You" single ni Janella, tungkol sa namumuong pag-ibig

June 25, 2024 AT 01 : 35 PM

Reunites with Jane De Leon for a girls’ love-inspired music video
Umaasa at naghihintay sa pag-ibig ang Kapamilya aktres at singer na si Janella Salvador sa music video ng kanyang bagong single na “Hey You.”
 
Muling nakasama ni Janella ang “Darna” co-star na si Jane De Leon na bumida sa girls’ love-inspired na MV. Umani agad ito ng mahigit 100,000 views sa loob ng isang araw at umarangkada agad sa ika-11 pwesto ng YouTube PH trending list for music.
 
Inilunsad ni Janella ang music video sa Pride event na “LoveLaban2Everyone” na naganap sa Quezon City Memorial Circle nitong Sabado (Hunyo 22).
 
“Sana ma-enjoy niyo yung maliit kong gift na inihanda para sa inyong lahat and especially to the women loving women community who deserves better,” saad ni Janella sa kanyang performance.
 
Ang “Hey You” ay iprinodyus ni ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo at isinulat niya rin ito kasama sina StarPop label head Roque “Rox” Santos at Anjila Lim. Tampok ang awitin sa Spotify New Music Friday Philippines at OPM Rising playlists.
 
Nitong Marso, inilabas ni Janella ang awitin na “headtone” bilang unang single ng kanyang upcoming album na nakatakdang ilabas ngayong taon.
 
Pakinggan ang matamis na mensahe ni Janella sa bagong single na “Hey You” na available sa iba’t ibang streaming platforms at panoorin ang music video nito sa ABS-CBN Star Music YouTube channel. Para sa karagdagang detalye, sundan ang Star Music sa Facebook, X (Twitter), Instagram, TikTok, at YouTube.
 
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE