News Releases

English | Tagalog

Higit kalahating milyong viewers, sabay-sabay nanood ng showdown nina Charo at Mercedes sa "Batang Quiapo"

June 27, 2024 AT 03 : 23 PM

Netizens cheered as a furious Tindeng charged at Lena and dragged the former police officer out of her room

Bagong all-time high record naitala sa Kapamilya Online Live

Panibagong all-time high record ang naitala ng “FPJ’s Batang Quiapo” matapos umabot sa higit kalahating milyon o 502,556 views ang sabay-sabay na nanood sa Kapamilya Online Live ng komprontasyon nina Tindeng at Lena (Charo Santos at Mercedes Cabral) sa episode noong Miyerkules (Hunyo 26).

Patok na patok sa netizens at trending sa social media ang pinaka-inaabangang pagtatapat nina Tindeng at Lena kung saan kaliwa’t kanan na sampal ang inabot ni Lena mula kay Tindeng. Anila, “deserve na deserve” ni Lena ang nangyari sa kanya lalo na’t reyna ang tingin niya sa sarili niya kahit kabit lang naman siya ni Rigor (John Estrada).

Sa social media, kalat na ang iba’t ibang videos at posts ng mga nakakaaliw na reaksyon ng netizens sa pasabog na eksena.

“Speechless, grabeeee one of the most intense confrontation ever. Ms Charo you are timeless, and such an inspiring actor that everyone could look up to! Kudos to Lena, apaka galing din,” komento ng netizen na si @justinemoreno9146 sa YouTube.

“Sobrang satisfying ng ilang araw na paghihintay sa epic na sabunutan at sampalan ni Lena at Tindeng, lalo na yung limitless na sampal ni Mam Charo kay Mercedes at pagkaladkad habang sinasabunutan!” post naman ni @Carlosmiguel652 sa X.

Sa pagpapatuloy ng kwento ng “FPJ’s Batang Quiapo,” muling magkakagulo sa bahay ni Rigor kapag nalaman na nilang lahat ang nangyaring pang-eeskandalo sa pagitan nina Tindeng at Lena. Samantala, iba naman ang pagkakaabalahan ni Tanggol (Coco Martin) dahil nangako siya kay Bubbles (Ivana Alawi) na gagantihan niya si Pablo (Elijah Canlas) matapos itong bastusin ang dalaga.

Huwag palampasin ang maaaksyong kaganapan sa “FPJ’s Batang Quiapo,” na hango sa orihinal na kwento ng Regal Films, gabi-gabi ng 8 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood sa TV5 at A2Z ang mga bagong episode ng ““FPJ’s Batang Quiapo.” Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng iWantTFC at The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (formerly Twitter), Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.