News Releases

English | Tagalog

Job Manahan, binisita si Mylene sa Baguio set ng “Pamilya Sagrado” sa “Tao Po”

June 28, 2024 AT 01 : 07 PM

Mylene, who plays Piolo Pascual’s wife (Mercedes Sagrado) in the political drama, shares what is it like to be hands-on mother to two kids and looks back on her 30 years in showbiz

Bernadette at Kabayan, itatampok ang mga magagandang kwento ng mga ordinaryong Pinoy
 
Biyaheng norte si Job Manahan para puntahan si “Pamilya Sagrado” star Mylene Dizon sa set ng hit Kapamilya show sa Baguio City ngayong Linggo (Hunyo 29) sa “Tao Po.”
 
Ibabahagi ni Mylene, na ginagampanan ang papel ng asawa ni Piolo Pascual (Mercedes Sagrado) sa political drama, kung paano siya bilang hands-on mother sa dalawa niyang anak. Magbabalik-tanaw din si Mylene sa kanyang tatlong dekada sa showbiz.
 
Ngayong graduation season, pupunta naman sa Bulacan si Bernadette Sembrano para kilalanin ang mag-asawang Norie at Lyn Dela Cruz na, hindi man nakatapos ng pag-aaral, ay malalim ang pagpapahalaga sa edukasyon. Tunghayan ang kwento kung paano nila naitaguyod ang limang anak sa pagsasaka at pagkakaroon ng maliit na tindahan, at kung paano nila naipamana sa mga anak ang kagustuhang makapagtapos.
 
Samantala, itatampok naman ni Kabayan Noli de Castro ang kwento ng 70-anyos na si Roger Cometa na itinuturing ama ng mga ibon na kanyang pinapakain sa paborito niyang tambayan. Alaga man ito ng iba, ginagastusan niya ang mga pagkain sa ibon mula sa kanyang sweldo. Nakikisalo na rin pati mga pusa sa kanyang pagpapakain na sinimulan niyang gawin noong pandemya.
 
Abangan ang mga makabuluhang kwentong ito ngayong Linggo (Hunyo 29) sa "Tao Po" ng 6:15 ng gabi sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, ABS-CBN News's YouTube Channel, at iWantTFC.
 
Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.