Pinangunahan ni Boy Abunda ang panawagan sa pagkakaisa, pagkakapantay-pantay, at respeto sa kauna-unahang Pride EP na inilunsad sa bansa na “Say It Clear, Say It Loud” tampok ang Kapamilya singers at miyembro ng LGBTQ+ community na sina Anton Antenorcruz, Raven Heyres, at Saga.
Prinodyus ang six-track EP ng beteranong host katulong ang Star Music at inilabas ngayong Biyernes (Hunyo 28) bago magtapos ang Pride 2024 celebration.
Nais ni Boy na magsilbing legacy niya ang mini-album para sa LGBTQ+ community.
Aniya, “I’m going for legacy. Ano ba ang naging contribution na nagawa ko para sa LGBTQ community? We haven’t thought of music as a tool to tell our story.”
Sariling karanasan ng King of Talk ang nakatulong sa pagsulat ng mga awitin sa EP.
Pagbabahagi niya, “I am not a professional composer but I know the story. I know the joys and pains of being gay. I know how it is to pray. I know how it is to be discriminated. So ang baon ko lamang habang ginagawa natin ang mga awiting ito ay ang kwento ng mga miyembro ng LGBTQIA+ community.”
Tampok sa EP ang mga bagong awitin ng “Tawag ng Tanghalan” alumni na “Kalbaryo” ni Anton, “Diyos Ko, Diyos Ko Po!” ni Saga, at “Papa Alleluia” ni Raven.
Equality ang pinaglalaban ng kantang “Kalbaryo” ni Anton.
Aniya, “Para sa akin po hindi kabawasan ng pagkatao ang pagiging bakla o pagiging lesbian. Lahat po tayo ay pare-parehas na tao at pantay-pantay.”
Ayon naman kay Saga, nakaka-relate siya sa “Diyos Ko, Diyos Ko Po!” na may mga salita na dati na niyang pinagdasal.
Sabi niya, “Actually kahit sinulat po siya ni Tito Boy, yung mga words na po na yun ay something na pinagdasal ko na rin po. Gusto ko lang maramdaman ng mga taong nakikinig na magdasal sila with me, magdasal sila with everyone, na makita nila na we are all children of God.”
Para kay Raven, overwhelming na mapiling umawit ng kantang “Papa Alleluia.”
Kwento niya, “Kinabahan din po ako. Yung kanta po kasi nito is ‘thank you for the Pope’ kaya tinanggap ko po siya ng buong puso at overwhelmed po ako na ako ang napili ni Tito Boy para iperform ang song na ito.”
Kasama rin sa EP ang mga nauna nang inilabas na awitin na pinagsamahan nilang tatlo na “Bilang,” “Say It Clear, Say It Loud,” at “Ideal World.”
Suportahan ang selebrasyon ng Pride 2024, pakinggan ang “Say It Clear, Say It Loud” EP na available na ngayon sa iba’t ibang streaming platforms. Para sa karagdagang detalye, sundan ang Star Music sa
Facebook,
X (Twitter),
Instagram,
TikTok, at
YouTube.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa
Facebook,
X (Twitter),
Instagram, at
TikTok o bisitahin ang
www.abs-cbn.com/newsroom.