Kasabay ng kanyang 60th birthday celebration
Nagbabalik recording ang nag-iisang Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla sa pamamagitan ng “
’Pag Tinadhana” single na inilunsad ngayong buwan kasabay ng pagdiriwang niya ng ika-60 kaarawan noong Mayo 28.
Isang modern jazz pop single ang “’Pag Tinadhana” na tungkol sa hindi paghahanap ng pag-ibig at pagbibigay pagkakataon na kusang umusbong ito.
“I want something that appeals to the younger generation,” sabi ng OPM icon tungkol sa kanyang latest music offering. “It’s a beautiful and positive song.”
Unang inawit ni Zsa Zsa ang kanta sa “ASAP Natin ‘To” sa May 19 episode nito na nagsilbi ring maagang birthday celebration niya sa longest-running musical variety show kung saan isa siya sa mga nagsisilbi bilang main host.
Inilahad din ng batikang mang-aawit ang kanyang birthday wish na maisakatuparan ang ninanais na pagdiriwang para sa kanyang nalalapit na 40th anniversary sa industriya.
Aniya, “I just wish my dreams for this year will come true, to celebrate my 40th year in showbizness.”
Isinulat at prinodyus ni ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo ang “’Pag Tinadhana” at inilunsad sa ilalim ng Star Music.
Napapakinggan na ngayon ang “’Pag Tinadhana” sa iba’t ibang music streaming platforms. Para sa karagdagang detalye, sundan ang Star Music sa
Facebook,
X (Twitter),
Instagram,
TikTok, at
YouTube.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa
Facebook,
X (Twitter),
Instagram, at
TikTok o bisitahin ang
www.abs-cbn.com/newsroom.