News Releases

English | Tagalog

Maki, gumawa ng kasaysayan sa "Dilaw"; hinirang bilang male OPM artist na may pinakamaraming monthly listeners sa Spotify

July 11, 2024 AT 03 : 00 PM

Nangunguna pa rin sa Billboard PH Hot 100

Sunod-sunod ang achievements na nasungkit ng breakthrough artist na si Maki matapos umarangkada sa unang pwesto ang latest single niyang “Dilaw” sa iba’t ibang local charts at streaming platforms, kabilang na ang Spotify kung saan nangunguna sila bilang male OPM artist na may pinakamaraming monthly listeners na umabot na ngayon sa 6.5 million.
 
Nangunguna rin ang “Dilaw” sa inilabas na Billboard Philippines Hot 100 at Top Philippines Songs sa unang dalawang linggo (Hulyo 6 at 13) ng nasabing charts. Bukod dito, nakapasok din ang awitin sa Spotify Global chart at nasungkit ang biggest single-day streams para sa isang OPM song.
 
Umabot din ang awitin sa Spotify Viral chart sa iba’t ibang bansa tulad ng Saudi Arabia, Singapore, New Zealand, Canada, Hong Kong, Taiwan, Malaysia, at United Arab Emirates. Nakuha rin nito ang unang pwesto sa iTunes Philippines kung saan naging fifth best-selling OPM song ito sa nasabing platform habang umani naman ito ng mahigit 10 milyong views sa YouTube.
 
“Hindi pa rin po ako makapaniwala at parang pa rin akong nananaginip. I’m really grateful especially sa mga tao na nakasama na nag-work behind this song. This is just passion for music and I was not expecting anything na ganitong kalaking achievement,” saad ni Maki sa panayam sa ABS-CBN News.
 
Bukod sa tagumpay ng “Dilaw,” nakakuha na rin ng mahigit 90 milyong streams sa Spotify ang awitin na “Saan?” at patuloy itong umaarangkada kasama ang iba pang awitin ni Maki na “Kailan?” at “Sikulo” na tampok sina Angela Ken at Nhiko Sabiniano. Nakapasok na rin ang Tarsier Record artist sa ikalimang pwesto sa Spotify Philippines Daily Top Artists.
 
Pakinggan ang latest single ni Maki na “Dilaw” na available sa iba’t ibang streaming platforms. Para sa ibang detalye, sundan ang Tarsier Records sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, and YouTube
 
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE