Announcement marks 10th adaptation of “Mother,” Asia’s #1 exported scripted format
Julia Montes bibida bilang Pinay “Mother” sa “Saving Grace”
Inanunsyo ng ABS-CBN, ang nangungunang content provider sa Pilipinas, at ng Nippon TV, ang nangungunang multiplatform entertainment powerhouse and ratings champion broadcaster sa Japan, na magkakaroon ng Pinoy adaptation ang sikat na Japanese drama na “Mother.” Kikilalanin ito sa Pilipinas sa titulo nitong “Saving Grace” at pagbibidahan ito ng award-winning actress na si Julia Montes.
Unang umere sa Nippon TV noong 2010, ang “Mother” ay ang most exported scripted format sa Asya matapos pumatok sa buong mundo ang kwento nito tungkol sa pagmamahal at pamilya. Ang Pilipinas ang ikasampung bansang gagawa ng sariling bersyon nito kasunod ng Turkey, South Korea, Ukraine, Thailand, China, France, Spain, Saudi Arabia, at Mongolia.
“We’re very, very happy and excited to announce ABS-CBN Studios’ newest Dreamscape production ‘Saving Grace.’ This is the Philippine adaptation of ‘Mother’ that is created and produced by Nippon TV. This is our very first adaptation of a Nippon TV series and we are very grateful to Nippon TV for entrusting us with the rights for the Filipino version. It’s a beautiful story that really centers around the importance of family and motherhood and promises to be a very emotionally engaging and heartwarming series that will deeply resonate with the Filipino audience and the non-Filipino audiences worldwide,” sabi ni ABS-CBN chief operating officer na si Cory Vidanes.
“As we celebrate our landmark tenth international deal for ‘Mother,’ we are delighted to be announcing this adaptation with ABS-CBN. ‘Mother’ is truly a beautiful story and we are confident that the Filipino audience is going to love it. Best wishes to the cast and crew,” sabi nina Yuki Akehi at Sally Yamamoto mula sa Content Business ng Nippon TV.
Si Julia ang magsisilbing eleventh ‘mother’ na magbibigay-buhay sa isang napakahalagang karakter na siguradong aantig sa mga puso ng mga manonood at mag-iiwan din ng importanteng mga aral.
Malapit na ring makilala ang iba pang mga karakter na makakasama ni Julia sa “Saving Grace.”
Mapapanood ng mga Pilipino ang “Saving Grace” sa 2025. Sinusundan ng nakakawiling kwento ang isang problemadong guro na ilalayo ang isang bata mula sa abusado nitong ina at pagpiyepiyestahan ito sa balita.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.