News Releases

English | Tagalog

Special 'SONA 2024' coverage ng ABS-CBN News, mapapanood sa A2Z, Kapamilya Channel, at ALLTV

July 20, 2024 AT 08 : 49 AM

ABS-CBN News brings Filipinos the latest updates and in-depth analysis of President Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr.'s third State of the Nation Address (SONA) in its special coverage airing live this July 22 (Monday), 3:15 PM on A2Z, Kapamilya Channel, and ALLTV

Mapapanood din online sa Kapamilya Online Live at sa digital platforms ng ABS-CBN News

Hatid ng ABS-CBN News sa mga Pilipino ang live updates at mga makabuluhang diskusyon sa nalalapit na ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. sa special coverage nito na mapapanood live ngayong Lunes (Hulyo 22), 3:15 PM sa A2Z, Kapamilya Channel, at ALLTV.

Ipapalabas din via live stream ang SONA 2024 special online sa Kapamilya Online Live, news.abs-cbn.com, pati sa official YouTube and Facebook pages ng ABS-CBN News.

Pangungunahan ni Alvin Elchico, kasama ang buong pwersa ng ABS-CBN News, ang SONA 2024 special, hatid ang mga pangyayari sa loob at labas ng Batasang Pambansa.

Bukod sa live updates, hihimayin din ng ABS-CBN News sa publiko ang magiging talumpati ni Pres. Marcos Jr., mula sa mga planong hangad na mapatupad sa kanyang panunungkulan, mga naisagawang proyekto at polisiya ng administrasyon, at mga usaping napapanahon sa bansa.

Pagkatapos ng special SONA coverage, tuloy-tuloy ang pagbabalita nito sa "TV Patrol Express" kasama sina Jeff Canoy at Denice Dinsay ng 5:30 PM, at "TV Patrol" nina Noli de Castro, Karen Davila, Bernadette Sembrano, at Henry Omaga Diaz—na mapapanood sa A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, Radyo 630/Teleradyo Serbisyo, ANC, ALLTV, at sa digital platforms ng ABS-CBN News sa ganap na 6:30 ng gabi.

May live updates din sa Facebook, X, Instagram, at TikTok accounts ng ABS-CBN News, pati latest articles na mababasa sa official website nito.

Para sa iba pang update, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, at TikTok, o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.