Mega, excited sa kanyang pagbabalik-serye!
Muling mapapanood sa isang Kapamilya teleserye ang nag-iisang Megastar Sharon Cuneta matapos itong ianunsyo ng ABS-CBN ngayong araw (Hulyo 3).
Bongga ang pagsalubong kay Mega dahil nagkaroon ng red carpet welcome sa ABS-CBN kasama sina ABS-CBN COO na si Cory Vidanes at Entertainment Production head na si Laurenti Dyogi at Dreamscape Entertainment heads na sina Kylie Manalo-Balagtas at Rondel Lindayag.
Bagama’t wala pang ibang detalye tungkol sa gagawing teleserye ni Mega, ibinahagi nito na excited na siyang sumabak muli sa set matapos ang kanyang pansamantalang pamamahinga sa acting.
“Kaya po ako nandito kasi may bago akong sorpresa sa inyo. I wouldn’t say there’s more pressure. I would say there’s more desire. Who wants to be anywhere else but home?” sabi ni Sharon sa isang video na inilabas ng ABS-CBN.
Ang inaabangang teleserye comeback ni Mega ang magsisilbing pangalawa niyang Kapamilya teleserye matapos niyang maging bahagi ng “FPJ’s Ang Probinsyano” noong 2021. Ang ginampanan niyang papel bilang Aurora sa hit action series ang isa sa mga pinag-usapang sorpresa ng mga manonood.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.