News Releases

English | Tagalog

Belle, may bagong EP bago umarangkada ang sold-out "BELIEVE" concert

July 04, 2024 AT 01 : 46 PM

Tampok ang limang awitin tungkol sa pangarap, tadhana
 
May bagong EP ang actress-singer na si Belle Mariano na tinawag na “BELIEVE” tampok ang limang inspiring songs na magsisilbing patikim sa sold-out concert niya na magaganap ngayong Hulyo.
 
Kabilang sa mini-album ang mga kantang “Biglaan,” ‘Pakisagot,” “Little World Changer,” “I, Save, Me,” at “Apelyido” na prinodyus ni StarPop label head Roque “Rox” Santos.
 
Inaasahang aawitin niya ang mga ito sa kanyang “BELIEVE: The Belle Mariano Birthday Concert” sa Hulyo 13 (Sabado), 8 pm sa The Theatre at Solaire handog ng ABS-CBN Events at StarPop. Maaari ring mapanood ang event via livestream sa iWantTFC mobile app at website o sa iWantTFC Tickets sa halagang P599.
 
Kasamang magpapasaya ni Belle ang special guests niya na sina Donny Pangilinan, Moira dela Torre, Denise Julia, at Martin Nievera.
 
Hindi pa rin makapaniwala ang Kapamilya star na bibida siya sa nalalapit na engrandeng concert. “Hindi ko siya na-visualize. It was too grand for me,” ani Belle.
 
“I used to sing in the videoke with my lolo and it feels like I’m not just fulfilling my dream, I’m also fulfilling his,” kwento niya.
 
Nakatulong ang paghahanda niya sa “BELIEVE” concert para higit pang magkaroon ng tiwala sa sarili bilang performer. Sabi niya, “The process of the concert made me believe in myself. This marks a growth of who I am in the industry.”
 
Hatid din niya ang mas mature na tunog at kwento sa mga bago niyang kanta.
 
Ang “Biglaan” ang focus track ng “BELIEVE” EP na tungkol sa paghahatid ng tadhana ng pangyayari na higit pa sa inaaasahan. Isa ring empowering track nito ang “Little World Changer” na magsisilbi namang ‘dreamy ode’ sa malalaking pangarap ng isang tao.
 
Tungkol sa mga hinanakit na nais ilabas ang awiting “Pakisagot,” sakit ng damdamin at false hope ang “I, Save, Me,” at pagkakataong mahanap ang tamang tao ang “Apelyido.”
 
Ibinahagi rin ni Belle kung paano niya gustong maalala ng fans bilang music artist. “I want to make the listeners, the audience, believe in themselves,” hiling niya.
 
Sinusundan ng EP ang mga nauna nang inilabas ni Belle na album na “Daylight” at “Somber and Solemn.” Ilan sa patok niyang awitin ang “Sigurado,” “Kahit Na, Kahit Pa,” “Tanging Dahilan,” at “Bugambilya.” 
 
Ngayong taon, ginawaran ang New Gen Phenomenal Actress ng Listener’s Choice award sa Women in Music ng Billboard Philippines at Lullaby Artist Award mula sa Spotify.
 
Mapapakinggan na ang “BELIEVE” EP ni Belle simula Biyernes (Hulyo 5) sa iba’t ibang music streaming platforms. Para sa ibang detalye, sundan ang StarPop sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok.
 
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE