Kilalanin sina Sanggol, Alice Gulo, at momshies Redgie, Menai, at Jonila
Patok na patok pagbabalik ng Kapamilya kiddie gag show "Goin Bulilit" at mga spoof nito gaya ng 'Baby Quiapo' at 'Magandarang Buhay' noong Hulyo 1 (Lunes), kaya naman nakamit nito ang lampas 60,000 peak concurrent views.
Bumuhos ng papuri online sa mga nakakaaliw na parody at mga kwela at cute na mga bata.
Sa 'Magandarang Buhay,' nakausap ng momshies na sina Jonila (Chastity), Redgie (Elisha), at Menai (Kulot) ang dating "Goin Bulilit" stars na sina Nash Aguas at Mika dela Cruz tungkol sa kanilang buhay mag-asawa.
Samantala, nakilala rin ng viewers sina Sanggol (Baby Giant), Tiny Bubbles (Kelsey), at David Dimagibagiba (Argus).
Nagbalik din ang 'GB Patrol' at 'Ano Daw.' Napanood din ang nakakatawang musical spoof nila sa kanta ni Angeline Quinto na "Piliin Mo Ang Pilipinas," na pinamagatang 'Kulitin Mo Ang Pilipinas' habang nakilala rin ng manonood sina Alice Gulo at Lisa Contiveros.
Abangan nga pa ang iba pang hinanda ng kwelang jokes, spoofs, at parodies ng "Goin Bulilit" at iba pang mga batang magpapasaya ng mga hapon ng manonood.
Panoorin ang "Goin Bulilit" Lunes hanggang Biyernes, 5:45PM at Saturday at Sunday, 4:30PM sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, ALLTV,A2Z, and iWantTFC.