News Releases

English | Tagalog

Primetime King Coco Martin, bagong ambassador ng iWantTFC para sa 'Libreng Manood' nationwide campaign

July 05, 2024 AT 11 : 02 AM

As its newest ambassador, Coco expressed his delight to be part of iWantTFC's campaign of further elevating Pinoys' favorite pastime of watching their favorite shows

Mga paborito ninyong programa at pelikula, libreng mapapanood sa iwanttfc.com at iWantTFC app 

May good news ang Primetime King na si Coco Martin para sa mga Kapamilya nating mahilig sa 'libre' dahil mapapanood nang libre kahit saan mang sulok ng bansa ang mga kinagigiliwang serye at pelikula sa mas pinalakas na iWantTFC, the home of Filipino stories. 

Bilang bagong ambassador ng "Libreng Manood" sa iWantTFC, labis na nasisiyahan si Coco na maging katuwang ng iWantTFC sa pagbibigay ng libreng saya sa ating mga kababayan hatid ang wide selection ng free-to-stream titles na mapapanood mapa-cellphone man, computer, o sa TV. 

"Sa bawat Pilipino, ito ang libangan natin. Ito ang nakakapag-refresh sayo at nakakapag-relax ka. Hindi mo na kailangang lumabas. Ida-download mo lang, nasa cellphone at TV mo lang, nandyan na agad," saad ni Coco sa kanyang panayam sa ABS-CBN News. 

Aniya, swak din ito sa mga nais balikan ang mga na-miss nilang episode ng mga paborito nilang programa, pati na rin ang mga classic teleserye at pelikula na tumatak sa mga manonood. 

"Napakarami pang choices sa iWantTFC. At kung gusto mong balikan ang mga favorite mong pelikula o teleserye, anytime nababalikan mo," dagdag niya. 

Kabilang sa nationwide campaign ng iWantTFC ang pagpapaskil ng mga billboard, jeepney ad, digital placements, at interactive installations kung saan ibinibida si Coco at ang mensaheng "Kahit kailan, kahit saan sa Pinas, sa iWantTFC, libre!"

Bilang treat sa kanyang mga tagahanga, libreng mapapanood ang lahat ng episodes ng hit action serye niyang "FPJ's Batang Quiapo," pati na rin ang complete seasons ng long-running teleserye na "FPJ's Probinsyano," at ilang movie hits niya gaya ng "Ang Panday," "Beauty and the Bestie," "Feng Shui 2," at "Padre de Familia" sa "All Coco" selection ng iWantTFC.  

Para naman sa mga nais mauna sa mga kaganapan sa "Pamilya Sagrado" at "High Street," mapapanood naman nang advanced ang new episodes nito sa iWantTFC, 48 hours bago ito umere sa TV. 

Libre ring mababalikan ang ilang Star Cinema hits, tulad ng "Hello, Love, Goodbye," "Love You to the Stars and Back," "Alone/Together," "Dalaw," at "The Breakup Playlist," pati ang digitally restored classics na "Got 2 Believe," "Oro, Plata, Mata," at "Sa Aking Mga Kamay." 

Mapapanood din anytime ang kinagigiliwang original shows exclusively sa iWantTFC, tampok ang Drag You & Me," "Tara, G!" "Teen Clash," "Malaya," "Glorious," "Sleep With Me," "The Boy Foretold by the Stars," "Fractured," "Ma," "The Tapes," at marami pang iba. 

Bukod pa rito, pwede ring makibalita sa iWantTFC, hatid ang mga nagbabagang mga balita sa "TV Patrol" at live stream ng TeleRadyo Serbisyo. At mas pasayahin ang panonood anytime sa Kapamilya variety shows na "It's Showtime" at "ASAP Natin 'To." 

Mapa-comedy, drama, action, horror, o romance, lahat libreng mapapanood sa iWantTFC. Bumisita lang sa iwanttfc.com o i-download ang official app na available sa iOS at Android. 

Mapapanood din ang iWantTFC sa mas malaking screen sa piling devices. Available na rin ang iWantTFC via Chromecast at Airplay. Para sa kumpletong listahan ng compatible devices, sign in instructions, at account activation, bisitahin ang https://bit.ly/iWantTFC_TVDevices.    

Para sa ibang detalye tungkol sa iWantTFC, i-follow ang iWantTFC sa  Facebook, X, Instagram, at YouTube.  

Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom