News Releases

English | Tagalog

Keisha Paulo, buong pusong umiibig sa bagong awitin na "AKIN"

July 09, 2024 AT 02 : 51 PM

Isinulat ang kanta katulong ang fiance

May kwento tungkol sa true love ang dating “Tawag ng Tanghalan” contestant na si Keisha Paulo  sa kanyang bagong handog na awitin na “AKIN.”

Katulong niyang sumulat ng kanta ang kanyang fiancé na si Jershon Corpuz at sa pagmamahalan nilang dalawa sila humugot ng inspirasyon para dito.

“We were very inspired to write this. It really speaks about true love that everyone deserves. Sobrang uso na kasi sa atin yung mga hugot, heartbreak. What if true love naman? What if ito naman ang pairalin natin ngayon, yung totoong pagmamahal,” kwento niya sa kanyang pagbisita sa “iWant ASAP” noong  Linggo (Hulyo 7).

Sinundan ng “AKIN” ang debut single ni Keisha na “Hanggang Ngayon Na Lang” na magiging bahagi ng upcoming album niya na nakatakdang ilunsad ngayong taon sa ilalim ng Star Music.

Unang nakilala si Keisha nang maging isa sa quarter finalists ng “Tawag ng Tanghalan” season 6. Pinahanga niya rin ang mga hurado sa kanyang performance ng OPM classics tulad ng “Ikaw Ang Aking Mahal,” “Himig ng Pag-ibig,” at “Anak.”

Pakinggan ang bagong awitin ni Keisha na “AKIN” na available na ngayon sa iba’t ibang streaming platforms. Para sa karagdagang detalye, sundan ang Star Music sa Facebook, X (Twitter), Instagram, TikTok, at YouTube.

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE