Habang inaabangan ng maraming manonood ang bagong drama series ni Jodi Sta. Maria na "Lavender Fields" na patok na patok ang trailer, handog ng iWantTFC ngayong Agosto
ang mga kinagigiliwang serye at pelikula ni Jodi na mapapanood nang libre at on-demand o kailan nila gusto.
Tampok sa All Jodi selection nito ang mga seryeng kanyang pinagbidahan at tumatak sa madla. Kabilang dito ang love story nina Maya at Sir Chief sa long-running tanghali serye na "Be Careful with My Heart," madamdaming inspirasyon sa "100 Days to Heaven," pagmamahal ng isang ina sa legal-drama na "Sino ang Maysala?: Mea Culpa," at kambal pag-ibig sa "Sana Dalawa ang Puso."
Mapapanood din ang lahat ng episodes ng "Ang Sa Iyo ay Akin," ang kanyang Asia's Best Actress performance sa "The Broken Marriage Vow," at ang makasaysayang primetime collab with GMA na "Unbreak My Heart."
Tampok din ang classics ni Jodi tulad ng "Tabing Ilog" at "Patayin sa Sindak si Barbara," pati ang iWantTFC original niyang "My Single Lady."
Bukod sa kanyang mga serye, mapapanood din sa All Jodi playlist ang kanyang mga hit movie, gaya ng "The Achy Breaky Hearts," "All You Need is Pag-Ibig," "Dear Other Self," "Jologs," "Clarita," at iba pa.
Lahat ng ito, libreng mapapanood saan man sa Pinas sa iwanttfc.com at sa iWantTFC app (available sa iOS at Android).
Mapapanood din ang iWantTFC sa mas malaking screen sa piling devices. Available na rin ang iWantTFC via Chromecast at Airplay. Para sa kumpletong listahan ng compatible devices, sign in instructions, at account activation, bisitahin ang https://bit.ly/iWantTFC_TVDevices.
Para sa ibang detalye tungkol sa iWantTFC, i-follow ang iWantTFC sa Facebook, X, Instagram, at YouTube.
Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.