Puno ng pasabog sa loob ng bahay ni Kuya, kabilang ang pag-amin ni Brx ng kanyang tunay na sarili, double eviction nina Kanata at Marc, pati ang bagong housemates na sasalang din sa "Pinoy Big Brother Gen 11."
Nitong Lunes (Agosto 12), inilahad ng "Seamanluluto ng Bacolod" na si Brx Ruiz ang kanyang tunay na pagkatao matapos aminin kay Kuya na bahagi siya ng LGBTQ+ community bilang proud gay na may same-sex partner for ten years.
"Gusto ko na mabuhay ng free. 'Yun nga ang sabi ko, Kuya. The secret of happiness is freedom, and the secret of freedom is courage," saad ni Brx kay Kuya.
Ipinagmalaki naman ni Kuya ang katatagan ni Brx sa kanyang pagkatao matapos niyang ilahad ang kanyang tunay na sarili sa mundo. Aniya, "Brx, humahanga ako sa katapangan mo. Sa mundong mapanghusga, hindi madali ang pagharap dito. You have taken a brave step. And you have sailed many oceans para humantong sa ganitong desisyon."
Samantala, nagulantang naman ang housemates matapos ang kanilang double eviction night nitong Sabado (Agosto 10), kung saan sabay napalabas ng bahay ang Gen Z housemates na sina Kanata Tapia at Marc Nanninga Jr., na nakakuha ng pinakamababang boto with 11.61% at 5.09%.
Pagkatapos naman ang double eviction nina Kanata at Marc, inanunsyo rin ang papalit sa kanila sa loob ng bahay matapos makapasok ang bagong housemates na sina "Persevering Bunso ng Quezon City" JP at "Smiling Darling ng Camarines Sur" Joli.
Ngayong linggo naman nahaharap sa eviction ang mga nominadong sina Dingdong Bahan/Patrick Ramirez, Brx Ruiz, Jas Dudley-Scales, at Noimie Steikunas.
Sa mga nais bumoto, i-download at mag-sign up nang libre sa Maya app, ang official voting partner ng PBB Gen 11. I-tap lang ang PBB icon sa app para makaboto ng mga nominadong housemate na nais nilang ma-save o evict, at pwedeng bumoto ng 10, 50, o 110 votes na ibabawas sa Maya wallet. Pwedeng makaboto ng 15 beses kada araw.
Abangan ang latest updates sa "Pinoy Big Brother Gen 11" tuwing Lunes hanggang Biyernes, 10:15 PMsa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, TV5, at iWantTFC.
Mapapanood din ito tuwing Sabado at Linggo, 8:30 PM sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, at iWantTFC, at 9:30 PM sa TV5.
Para sa iba pang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.