Komposisyon niya tungkol sa mga tanong sa sarili at pangamba
Mga agam-agam sa buhay ang ibinuhos ng dating “Idol Philippines” season 2 contestant na si Drei Sugay sa kanyang bagong alternative rock single na “
idk anymore.”
Ibinahagi ni Drei sa isinulat na awitin ang mga pag-aalinlangan at pangamba na gumugulo sa kanyang isipan at ang tanong kung matatagpuan pa kaya niya ang hinahanap sa buhay. Iprinodyus din ito ng StarPop label head na si Roque “Rox” Santos.
Nitong nakaraang taon, inilunsad ni Drei ang debut single na “Ganun Talaga” na umani ng mahigit 600,000 streams sa Spotify. Sinundan niya ito ng iba pang awitin tulad ng “Iyong Mga Mata” at “Aking Tangi” na naging bahagi ng “High Street” official soundtrack.
Nakilala si Drei nang sumali siya sa “The Voice Teens Philippines” season 1 kung saan naging coach niya ang Black Eyed Peas member na si Apl.de.Ap. Noong 2022, sumabak naman siya sa ikalawang season ng “Idol PH” at naging isa sa top 12 contestants nito.
Damhin ang emosyon ng bagong awitin ni Drei na “idk anymore” na available sa iba’t ibang streaming platforms. Para sa ibang detalye, sundan ang StarPop sa
Facebook,
X (Twitter),
Instagram, at
TikTok.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa
Facebook,
X (Twitter),
Instagram, at
TikTok o bisitahin ang
www.abs-cbn.com/newsroom.