News Releases

English | Tagalog

Sharon, Bamboo, DonBelle, KimPau, at Joshua-Anne, tampok sa sold-out "ASAP Natin 'To" California Reunion Concert part two

August 17, 2024 AT 10 : 47 AM

Panoorin ang iconic performances nina Gary, Martin, Regine, Ogie, Zsa Zsa, Erik at iba pa


Di pa rin maka-get over sa ASAP in California?

Maghanda na para sa bonggang performances nina Sharon Cuneta, Bamboo, at Kapamilya love teams Donny Pangilinan at Belle Mariano, Kim Chiu at Paulo Avelino, at Joshua Garcia at Anne Curtis sa part two ng sold-out na “ASAP Natin 'To” California reunion concert  ngayong Linggo (Agosto 18) sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

May pasabog na performance naman si Megastar Sharon kasama ang ASAP Divas na sina Regine Velasquez, Zsa Zsa Padilla, Yeng Constantino, Jona, Klarisse De Guzman, at KZ Tandingan.

Todo-todong pagpapakilig naman ang hatid ng Kapamilya love teams DonBelle, KimPau, at Joshua-Anne na hatid ang renditions ng trending OPM love songs.

Maki-saya sa birthday celebration ni Ogie Alcasid kasama sina Gary Valenciano, Martin Nievera, Regine, Zsa Zsa, Erik Santos, Piolo Pascual, Janella Salvador, Darren Espanto, Jolina Magdangal, at Lovi Poe na kakanta ng greatest hits ni singer-songwriter.

Subaybayan ang nakakakilabot na Pinoy artist showcase kasama si Bamboo, na aawitin ang kanyang top hits, at sina Inigo Pascual, Janella, Belle, Joshua, AC Bonifacio, BGYO, international choreographer na si Phil Tayag, at G-Force, na handog ang nakakamanghang all-around performance. Panoorin rin ang Pinoy pride dance production kasama sina Kim, Maymay, AC, Gab Valenciano, at mga international dancer na sina Kyla Fajardo, Jadyn Hernandez, Devin Pornel, Bailrok, at G-Force.

Throwback sa ‘90s ang handog ni Jolina sa pagperform niya ng “Chuva Choo Choo,” kasama ang G-Force, Kapamilya dance artists at guest dancers. Ipapakita rin ni Darren ang kanyang husay sa pagkanta at pagsayaw ng "Standing Next To You." Samantala, abangan din ang sunod-sunod na exciting song numbers mula kina Moira, Yeng, Kyle Echarri, Inigo, at KZ.

Saksihan ang pasabog na ending ng ASAP in California kasama ang lahat ng pinakamalalaking Kapamilya artist na may handog na ‘90s dance medley. Makikisaya rin ang host na si Robi Domingo.

Lahat ng ito, mapapanood ninyo ngayong Linggo mula sa longest-running at award-winning musical variety show sa bansa, "ASAP Natin 'To," 12 NN sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC. 
 
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.