News Releases

English | Tagalog

Mga educational show mula sa National Council for Children’s Television, eere na sa Knowledge Channel 

August 02, 2024 AT 11 : 32 AM

Under Knowledge Channel and NCCT’s Makabata Block, “DokyuBata TV,” “NCCT Originals,” and “Buhay na Buhay” will help cultivate Filipino values, social consciousness and cultural awareness among Filipino youth

Mapapanood simula Agosto 5
 
Mas marami pang educational at child-friendly shows ang mapapanood na sa telebisyon dahil nakipagsanib-pwersa ang Knowledge Channel sa National Council for Children's Television (NCCT) para sa pagpapalabas ng tatlong child-friendly at parent-approved na programa simula Agosto 5. 
 
Sa ilalim ng Makabata Block ng Knowledge Channel at NCCT, ang "DokyuBata TV," "NCCT Originals," at "Buhay na Buhay" ay tutulong sa paglinang ng mga pagpapahalagang Pilipino, kamalayang panlipunan, at kaalaman sa kultura ng mga kabataang Pilipino. 
 
Sa "DokyuBata TV," masisilayan ang piling entries mula sa taunang patimpalak sa documentary filmmaking ng NCCT. Layunin nito na bigyan ng plataporma ang mga aspiring young documentarists na ipakita at ibahagi sa publiko ang kanilang angking talento. Mapapanood ito simula Agosto 5. 
 
Isa pang documentary series sa Makabata block ay ang "Buhay na Buhay," isang eight-part documentary series tampok ang mayamang cultural heritage ng Pilipinas batay sa konsepto ni Propesor Felipe de Leon ng walong buhay na kultura. Ang bawat episode ay nagsisiyasat ng isang partikular na aspeto ng kultura, na nag-aalok ng sari-saring pagtingin sa cultural landscape na tumutukoy sa pagkakakilanlan ng Pilipino at ang mga ugat nito sa kasaysayan.  
 
Ang "Buhay na Buhay" ay pangungunahan ni Senador Loren Legarda, isang kilalang tagapagtanggol ng kultura at kapaligiran, at mapapanood simula Agosto 26. 
 
Samantala, ang "NCCT Originals" ay mayroong apat na programa na nagbibigay-diin sa kahalagahan ng kapaligiran, ating kultura at pagpapahalaga, komunidad, at pagmumuni-muni. 
 
Kabilang sa "NCCT Originals" ang mga sumusunod na palabas: "Mga Awit ni Pina," na binigyang-buhay muli ang "Alamat ng Pinya," sa pamamagitan ng pagtuon sa pagkamausisa ni Pina sa kanyang kapaligiran; "Meriam's Online World," na nagbibigay-diin sa kahalagahan ng media literacy sa ating digital na mundo ngayon; "Wellness'kada," isang palabas na itinakda noong panahon ng pandemya na nagbibigay-diin sa kahalagahan ng komunidad at pagmumuni-muni; at "Mang Lalakbay," isang palabas pang-edukasyon tungkol sa paglalakbay na nagpapakita ng mga likas at gawa ng tao na mga kababalaghan ng bansa. 
 
Ang "NCCT Originals" ay magsisimula sa Agosto 10 kasama ang Mga Awit ni Pina, susundan ng Wellness'kada sa Agosto 18, Meriam's Online World sa Agosto 31, at Mang Lalakbay sa Setyembre 7. 
 
Ang Makabata Blocks ay mapapanood ng pitong beses sa isang linggo sa ganap na 9:00 AM, na may replay sa ganap na 9:00 PM. Ang DokyuBata TV at Buhay na Buhay ay mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes, habang ang NCCT Originals ay mapapanood tuwing Sabado at Linggo. 
 
Available ang Knowledge Channel sa cable sa pamamagitan ng aming mga partner cable operators. Available din ito sa pamamagitan ng direct-to-home satellite (DTH), Digital Terrestrial TV (DTT) gamit ang DTT box, at iWantTFC para sa online streaming. 
 
Para sa karagdagang impormasyon, sundan ang mga opisyal na social media account ng Knowledge Channel. Para sa iba pang mga update, sundan ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter (X), Instagram at TikTok, o bisitahin ang knowledgechannel.org.  
 
Para sa karagdagang impormasyon, sundan ang opisyal na mga social media account ng Knowledge Channel. Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.