Is Tisay the lucky charm of Tanggol or will she bring more danger to his life?
Barbie, excited sa karakter bilang suggalera
Si Barbie Imperial na nga ba ang lucky charm sa pagyaman ni Tanggol (Coco Martin)? Maaaring mag-iba ang kapalaran ni Tanggol sa pagpasok ng karakter ni Barbie sa hit action seryeng “FPJ’s Batang Quiapo.”
Excited si Barbie sa kanyang pagganap sa bagong karakter na si Tisay, isang singer at suggalera na maaaring magdala ng swerte o patong-patong na kamalasan sa buhay ni Tanggol.
“I am very grateful and thankful to the whole staff of ‘Batang Quiapo’ especially kay direk Coco dahil ako ang napili nila na mag-play ng role ni Tisay,” sabi niya.
Handa na rin sa bakbakan si Barbie kung sakaling may ipapagawang actions scenes para sa kanyang role.
“I tried muay thai and boxing para lang ready ako if ever may pagawing action scene sa akin si direk Coco. ‘Yun [action] talaga ‘yung genre na gusto kong ma-try because I’ve never done it before. I’m very excited,” dagdag niya.
Sa kasalukuyang kwento ng “FPJ’s Batang Quiapo,” mukhang magkakatotoo na ang pagyaman ni Tanggol matapos niyang mag-uwi ng milyon-milyong halaga ng pera nang talunin si Tisay sa pagsusugal.
Si Tisay na ba ang susi sa pagtuloy-tuloy na pagyaman ni Tanggol o may dala rin siyang panganib sa buhay ni Tanggol?
Huwag palampasin ang maaaksyong kaganapan sa “FPJ’s Batang Quiapo,” na hango sa orihinal na kwento ng Regal Films, gabi-gabi ng 8 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment. Available ang latest episodes nito sa loob ng 21 na araw matapos silang unang ipalabas sa Kapamilya Online Live sa YouTube. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood sa TV5 at A2Z ang mga bagong episode ng “FPJ’s Batang Quiapo.” Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng iWantTFC at The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.