News Releases

English | Tagalog

BGYO, inilabas na ang "Trash"

August 22, 2024 AT 08 : 49 PM

Mula sa produksyon ng Grammy winner na si Lostboy at Grammy nominee na si Tele


Inilunsad ng Filipino male group na BGYO ang kanilang latest single na “Trash” na napapakinggan na ngayon sa iba’t ibang music streaming platforms worldwide at napapanood na rin ang music video nito sa BGYO Official YouTube channel

May pop, neo soul, disco at funk elements ang feel-good song na prinodyus pa mismo ng Grammy Award winner na si Lostboy at Grammy Award nominee na si Tele.

Sina Greg Shilling, Elle Campbell, Peter Rycroft (aka Lostboy), at Steven Chueng (aka Tele) ang sumulat ng kanta tungkol sa pagiging handa na ‘itapon’ ang lahat para sa pagmamahal na hango mismo sa pananaw ng BGYO members pagdating sa pag-ibig.

Unang pinarinig ng grupo ang “Trash” sa “ASAP Natin ‘To California” na ginanap noong Agosto 3 sa Ontario, California.

Ang grupong kinabibilangan nina Gelo, Akira, JL, Mikki, at Nate ang isa sa Filipino acts na unti-unting pinapasok ang international scene sa pagpapatuloy ng ABS-CBN na ibida ang talentong Pinoy sa global stage. 

Kamakailan ay dumalo rin ang grupo sa Philippines Food and Music Festival sa Toronto, Canada at sa TFC Hour event sa Pistahan Parade and Festival na ginanap naman sa San Francisco, California.

Maging inspired umibig sa pakikinig ng “Trash” ng BGYO sa iba’t ibang streaming platforms. Para sa karagdagang detalye, sundan ang @bgyo_ph sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, at mag-subscribe sa kanilang YouTube channel, BGYO Official

Para sa iba pang updates, sundan ang Star Music sa Facebook, Twitter, Instagram, Tiktok, at YouTube

 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE