The reunion movie of Joshua Garcia and Julia Barretto "Un/Happy for You" continues to resonate with audiences as the film co-produced by Star Cinema and Viva Films has earned P200 million in gross ticket sales as of August 22
Ipapalabas din sa USA, Canada, Australia, New Zealand, Italy, UAE, Saudi Arabia, at iba pa
Umabot na sa P200 million as of August 22 ang kinita ng comeback movie nina Joshua Garcia at Julia Barretto na "Un/Happy for You," na co-produced ng Star Cinema at Viva Films.
Bago nito, maganda rin ang naging pagbubukas ng "Un/Happy for You" sa takilya nang tumabo ito ng P20.5 million sa unang araw ng showing, na pinakamalakas na opening gross ng isang local movie ngayong 2024.
Sa ikalawa nitong linggo, kasalukuyang napapanood ang pelikula sa mahigit 350 na sinehan sa Luzon, Visayas, at Mindanao habang nakatakda rin itong ipalabas ngayong buwan abroad sa USA, Canada, Australia, New Zealand, Italy, Malta, UAE, Saudi Arabia, Qatar, Bahrain, Saipan, Cambodia, at iba pa.
Sa direksyon ni Petersen Vargas, tampok sa "Un/Happy for You" ang pagkukrus muli ng landas ng dating magkasintahang sina Juancho (Joshua) at Zy (Julia). Sa halip na maghiganti sa engagement ni Zy, natutunan din ni Juancho na magpatawad, hanggang sa manumbalik ang kanyang nadarama para sa kanyang ex.
Kasama rin nina Joshua at Julia sa pelikula sina Nonie Buencamino, Ketchup Eusebio, John Lapus, Kaila Estrada, Aljon Mendoza, Victor Silayan, Bong Gonzales, Meann Espinosa, and Bianca De Vera.
Para sa karagdagang detalye, sundan ang opisyal na Facebook, X, Instagram, at YouTube account ng Star Cinema.
Para sa iba pang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.