Tampok ang walong awitin na hango sa iba’t ibang kwento ng pag-ibig
Inilabas ng Filipina-Canadian singer-songwriter na si Zachary ang kanyang debut album na “luvin u” na umiikot sa ligaya at sakit na dala ng pag-ibig.
Isinulat ni Zachary ang mga awitin dito tulad ng luvin u,” “Pangako,” “huling sayaw,” “Paalam,” at iba pa.
Sa key track na “toxic” ikinuwento niya ang nakakalitong emosyon na nagtutulak kung bakit bumabalik ang isang tao sa toxic na relasyon.
“It’s about when holding on feels safer than letting go. This song is dedicated for those red flags,” saad niya sa isang TikTok post.
Noong 2022, inilunsad ni Zachary ang debut single na “dahan dahan.” Sinundan niya ito ng iba pang kanta tulad ng “Bakit?” at “RBND” na umani ng 220,000 streams sa Spotify.
Mula pagkabata, malaki ang naging impluwensiya ng mga magulang ni Zachary na naghikayat sa kanya na ibuhos ang damdamin sa pagsusulat ng awitin. Bilang isa sa bagong OPM artists, nais niyang ipamalas ang relatable na songwriting style at sultry na tunog sa kanyang musika.
Para sa karagdagang detalye, sundan ang Star Music sa Facebook, X (Twitter), Instagram, TikTok, at YouTube.