News Releases

English | Tagalog

Shanaia Gomez, bibida sa bagong iWantTFC horror original na "The Gatekeeper"

September 11, 2024 AT 05 : 41 PM

Viewers can feel the frightening tension from the upcoming horror original "The Gatekeeper" streaming for free starting October 19 on iWantTFC.com and the official app

Mapapanood nang libre at on-demand sa iWantTFC.com simula Oktubre 19 

Isang kagimbal-gimbal na pagganap ang dapat asahan ng mga manonood sa New Gen Multimedia Star na si Shanaia Gomez na bibida sa papalapit na bagong iWantTFC horror original na "The Gatekeeper" ngayong Oktubre. 

Mula sa direksyon nina Matthew at Dean Rosen ng award-winning biopic na "Quezon's Game," hatid ng "The Gatekeeper" ang katakot-takot na kababalaghang bumabalot sa pagitan ng mundong ibabaw at impiyerno. 

Gagampanan ni Shanaia ang karakter nitong si Cita, isang antiques dealer na magiging tulay ng kadiliman sa mundong kinagagalawan niya nang madatnan niya ang lumang aparador na nagsisilbing lagusan pala papuntang impiyerno. 

Para kay Shanaia, hindi niya inaasahang bibida siya sa isang horror film. Sa kabila nito, ikinagalak niya ang oportunidad na ito at kanyang mga natutunan on set, pati ang kanyang excitement na maipalabas ito sa iWantTFC.

Aniya, "I remember that if there was a genre I did not think I was able to do, it was horror. Suddenly, this opportunity came and I told myself to do my best. I discovered so much about myself making this movie. I am excited to take on other roles and genres."

Pinuri naman ng mga direktor si Shanaia sa kanyang ipinamalas na aktingan sa bagong iWantTFC Original, na maituturing din na kanyang big break sa showbiz sa kanyang kauna-unahang lead role. 

"We are in awe of her acting ability, her acting decisions, and her patience to achieve perfection. She brings something special to the character of Cita making it very believable and will resonate with audiences," ika ni Direk Matthew. 

Dagdag naman ni Direk Dean, "Her ability to convey fear and sadness, but also strength and even deception all within just one look or one line was essential to Cita's character, and Shanaia nailed it." 

Bago bumida sa "The Gatekeeper," nakilala siya bilang contestant sa debut season ng "Idol Philippines" at naging celebrity housemate sa "Pinoy Big Brother Kumunity Season 10." 

Ipinamalas na rin ni Shanaia ang kanyang talento sa pag-arte matapos ang kanyang mga pagganap sa mga seryeng "FPJ's Batang Quiapo," "Can't Buy Me Love" at iWantTFC Original "He's Into Her" theatrical play na "The 25th Annual Putnam County Spelling Bee," at sa all-time highest-grossing Filipino film na "Rewind." Bilang music artist, nakapaglabas din siya kamakailan ng sariling single na "Cloud 9" under Star Music. 

Samantala, dapat namang abangan ang kakaibang atake nito sa horror genre, tampok ang blend ng biblical elements sa Filipino folklore na tiyak magpapasindak sa mga manonood ngayong papalapit na Undas. 

Mapapanood nang libre at on-demand ang "The Gatekeeper" simula Oktubre 19 (Sabado) sa iWantTFC.com at sa official app nito (available sa iOS at Android). 

Mapapanood din ang iWantTFC sa mas malaking screen sa piling devices. Available na rin ang iWantTFC via Chromecast at Airplay. 

Para sa ibang detalye tungkol sa iWantTFC, the home of Filipino stories, i-follow ang official pages nito sa Facebook, X, Instagram, at YouTube.  

Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom