Catch “Showbiz Sidelines” weeknights at 9:00 pm on Radyo 630 (available in Metro and Mega Manila) and Teleradyo Serbisyo (available nationwide via digital boxes, Sky Cable and 183 cable providers nationwide)
Umeere tuwing Lunes hanggang Biyernes, 9 pm
Nagsasanib-pwersa muli sina Ahwel Paz at Jhai Ho para ihatid ang mga maiinit na balita mula sa mundo ng showbiz, pati na rin ang mga kwento tungkol sa iba’t ibang side hustles o raket ng mga artista sa “Showbiz Sidelines.”
Layunin ng “Showbiz Sidelines,” na umeere tuwing Lunes hanggang Biyernes 9:00 ng gabi sa Radyo 630 at napapanood sa Teleradyo Serbisyo sa TV, na bigyan ang viewers ng ‘showbiz chika’ at ‘showbiz kita,’ ayon kina Ahwel at Jhai Ho.
“Para magkaroon ng ibang flavor ‘yung programa, sinamahan natin ng side hustles. Very interesting na malaman [ng viewers] na ‘yung mga hinahangaan nilang mga artista ay meron din silang pinagkakaabalahan sa likod ng camera,” ani Ahwel.
Ayon naman kay Jhai Ho, maganda ang working relationship nila ni Ahwel dahil maayos ang kanilang samahan noong nagkatrabaho sila dati.
“Maganda ‘yung naging foundation namin. One thing na talagang gustong gusto ko is before mag-start ‘yung programa, we make sure ni Papa Ahwel na mag-usap na dapat masaya lang, dapat GV [good vibes] lang tayo, kung may hindi tayo bet sabihin natin agad sa isa’t isa,” kwento ni Jhai Ho.
Bukod sa “Showbiz Sidelines,” pwede ring tumutok ang mga manonood sa Radyo 630 at Teleradyo Serbisyo sa pagsimula ng kanilang umaga para updated sila sa mga balita. Ilan sa mga programang pwede nilang abangan sa istasyon ang "Radyo 630 Balita" nina Sherrie Ann Torres at Robert Mano, “Gising Pilipinas” at “Teleradyo Serbisyo Balita” nina Alvin Elchico at Doris Bigornia, “Kabayan” ni Noli de Castro, “Balitapatan” kasama sina Peter Musngi at Rica Lazo, “Tatak: Serbisyo” kasama si Winnie Cordero, at “Headline Ngayon” ni Jonathan Magistrado.
Panoorin ang “Showbiz Sidelines” tuwing weekdays, 9:00 pm, sa Radyo 630 (available sa Metro at Mega Manila) at Teleradyo Serbisyo (available nationwide sa digital boxes, Sky Cable at 183 cable providers nationwide). Available din ang livestream sa pamamagitan ng iWantTFC at Teleradyo Serbisyo YouTube Channel.
Para sa karagdagang detalye, sundan ang Radyo 630 sa Facebook, X, Instagram, at TikTok.
Para sa iba pang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.