News Releases

English | Tagalog

ABS-CBN, pinarangalan ng Golden Arrow award para sa maayos na pamamalakad

September 20, 2024 AT 04 : 20 PM

ABS-CBN was once again recognized for its good corporate governance as it received another ASEAN Corporate Governance Scorecard (ACGS) Golden Arrow Award from the Institute of Corporate Directors (ICD).

Muling kinilala ang ABS-CBN ng Institute of Corporate Directors (ICD) para sa maayos na pagpapatakbo nito sa kumpanya matapos gawaran ng ASEAN Corporate Governance Scorecard (ACGS) Golden Arrow Award noong Huwebes (Setyembre 19). 
 
Ito ang pang-limang taon na pinarangalan ang ABS-CBN para sa magandang pamamalakad nito at pagsunod sa mga regulasyon ng gobyerno batay sa 2023 ACGS and Corporate Governance Scorecard (CGS) assessment results. Kabilang ang ABS-CBN sa mga Philippine publicly listed at insurance companies na binigyang parangal ng ICD.  
  
Ayon sa ICD, layunin ng ACGS na itaas ang ang antas at mas gumanda pa ang pamamalakad ng mga publicly-listed companies at mas maraming investors pa ang ma-enganyong pumasok sa bansa.
 
Ang ICD ay isang non-stock at non-profit na organisasyon na hangad ang professionalization ng Philippine corporate directorship.     
 
Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom
 
IN PHOTO: L-R Investor Relations Officer Cindy Estojero, Chief Risk Management Officer, Chief Compliance Officer, and Head, ABS-CBN Shared Services Center Mike Villanueva, and Treasury and Investor Relations Officer Marvin Payumo

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE