News Releases

English | Tagalog

"Born to Win" docu ng BINI, mapapanood nang libre sa iWantTFC

September 24, 2024 AT 03 : 02 PM

Join the Nation's Girl Group in looking back on their quest to music stardom in "BINI Chapter 1: Born to Win," streaming for free on iWantTFC

Simula Setyembre 26 sa iWantTFC.com

Ang inaabangang docuseries ng BINI, mapapanood na nang libre sa iWantTFC simula Setyembre 26 (Huwebes)—tampok ang pagbabalik-tanaw sa kanilang mga pinagdaanang sakripisyo bago matunton ang tinatamasang tagumpay bilang Nation's Girl Group sa first chapter nitong "Born to Win."

Ipinorodyus katuwang ang ABS-CBN News at Star Magic, iikot ang dokyuserye sa pagsibol ng BINI sa music scene na may hatid ding exclusive footage sa kanilang kauna-unahang major concert na "BINIverse."

Sa ika-una nitong chapter na "Born to Win," mas makikilala ng mga manonood ang mga miyembro nitong sina Aiah, Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Mikha, Jhoanna, at Sheena bago ang kanilang BINI days.

Dito rin ipapakita ang kanilang mga pinagdaanang hirap para maabot ang kanilang pinapangarap na makagawa ng sarili nilang pangalan sa industriya bilang Nation's Girl Group na nagbigay-buhay sa kanilang hits na "Born to Win," "Na Na Na," "Lagi-Lagi," "Pantropiko," at iba pa.

Bago ang inaabangan nitong premiere, sinorpresa muna nina Mikha, Colet, Maloi, at Jhoanna ang kanilang minamahal na BLOOMs sa naganap na advance screening nito sa Gateway Cineplex nitong Lunes (Setyembre 23). Anila, labis ang kanilang pasasalamat sa ipinadama nilang pagmamahal at suporta.

Balikan ang kanilang pakikipagsapalaran bilang Nation's Girl Group sa "BINI Chapter 1: Born to Win," na mapapanood nang libre at on-demand sa iWantTFC.com at sa official app nito (available sa iOS at Android). Abangan din ang mga susunod nitong episode na malapit ding ipalabas sa iWantTFC.

Mag-register lang sa iWantTFC.com para makapanood nang libre saan man sa Pinas.

Mapapanood din ang iWantTFC sa mas malaking screen sa piling devices. Available na rin ang iWantTFC via Chromecast at Airplay.

Para sa ibang detalye tungkol sa iWantTFC, the home of Filipino stories, i-follow ang official pages nito sa Facebook, X, Instagram, ay YouTube.

Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.